Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Juday, inaagawan ng partner nina Gretchen at Claudine!

Juday, inaagawan ng partner nina Gretchen at Claudine!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

Ang dami-dami ng show ni Zanjoe Marudo at daily pa siya sa Banana Split.

Eh, pagda­ting sa sayaw naman sapal si Zan­joe kay John Prats kaya please lang, palitan na si Zanjoe at si Rayver Cruz na ang ipalit para balanse sila ni John Prats at sina Pooh at Jayson Gainza ay bagay din.

Papaanong tatangga­pin si Zanjoe as a serious actor like in “Losers in Paris” kung gago-gago naman siya sa Banana Split na parang luko-luko kung magsayaw at mag-comedy skit? Kayong mga career charters, alam niyo ba ang pinaggagawa niyo? Do you know how to really build a star? O nagmamarunong lang ka­yo at hit and miss talaga ang formula n'yo?

One cannot be a jack of all trades and be master of all! Pasisikatin ka lang ng Diyos sa talagang forte mo!

Remember that - stupids!
***

One proof - and a very strong proof! - na kapag nakapareha ni Judy Ann Santos ay sumisikat at nagtatagal ay itong latest - si Derek Ramsay.

Oo nga at si Derek ay nandyan na noon pa, but it was only when Derek was paired with Juday sa “Ysabella” siya nakilala nang husto.

And I give it to the macho actor ang patuloy na recognition niya na si Juday ang nagbigay sa kanya ng matatag or solid popularity.

At sa pagkilalang 'yan at pagtanaw ng utang na loob namin minahal nang husto si Derek na maalalahanin pala at marunong magpasalamat, edukadong tao tulad ni Dingdong Dantes.

Ang mga taong tulad nila ay 2% lang ng 100% sa showbiz. Sana mas dumami pa ang mga ganyang klase ng tao like Derek and Dingdong.

Uy, pareho pang letters “D” huh - dakila o daku? Ha! Ha! Ha! Ha!

So, hindi pa nga naipapalabas ang Nurserye nina Juday at Derek, ipinalulutang na ang umano ay parehong choice ng magkapatid na Gretchen at Claudine sa comeback serye nila.

Kulang na ba sa leading men at aagawan na naman si Juday ng ka-partner? Sa tinagal-tagal ng Nur­serye ni Juday bago ito ilabas, hindi niyo ba nahahalata na isasabay na naman 'yan sa comeback ni Claudine para may “ingay”?

Tulad ng pag-iingay ko ngayon? Puwes, kalampagin na ang lahat ng mga banyera like its New Year na, noh!

2010 na hanggang ngayon ay bulok pa rin ang sistema ng mga hindi na natuto! PWE!

Source: Abante