|
|
| Juday 'lalayasan' na ng inaAuthor: Noel Asiñas INIHAHANDA na nina Fanny Serrano at Jaime Acosta ng Psalmstre Enterprise si Melanie Marquez bilang bagong image model ng Cosmetologie sa kanilang yearly convention sa Februa-ry 2010. Si Fanny ang kasalu-kuyang presidente ng Philippine International Cosmetologist Association. Nagkaroon ng tie-up sina Mr. Acosta at Fanny sa paghahanda ng campaign for the convention ng mga cosmetologist next year. Kaya naman pinaplantsa nang husto ang gagawin nilang promotional materials ng association na pawang ang mga larawan lang ni Me-lanie ang maga-appear. Sabi ni Mr. Acosta, napili ni Fanny si Melanie dahil gusto nitong pang-international ang beauty na gagamiting modelo. Iba't ibang ayos ng buhok at make-up ang gagawin kay Melanie. Ibig bang sabihin ni-to'y papalitan na ni Mela-nie si Lorna Tolentino na paboritong modelo ni Fanny? Si Melanie ay pipirma ngayong Mayo ng ba-gong kontrata sa Psalms-tre bilang endorser ng New Placenta soap, lotion and cream. Balitang three-year contract ang pipirmahan ngayon ni Melanie kay Mr. Acosta. Dati'y yearly lang ang kontratang pinipirmahan ni Melanie kay Mr. Acosta. Ngayo'y tatlong taon na. * * * DAHIL nag-asawa na si Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, balak ni Mom-my Carol (mother ni Juday) na umuwi na sa Ca-nada. Although kasi ibi-nigay na ni Juday sa ina ang kanyang bahay sa Susana Height, ayaw naman ng ina na tumirang mag-isa roon. Malulung-kot daw siya kaya mi-nabuti niyang bumalik na lang sa Canada. Sa kasalukuyan, naka-pisan ang mga bagong kasal sa ancestral home ng mga Agoncillo. 'Di pa kasi natatapos ang ba-gong bahay nina Juday at Ryan sa Alabang. * * * PROUD si Direk Joel Lamangan sa bagong discovery ni Direk Manny Valera na si Joash Balejado. Kasi, nagustuhan ni Direk Joel ang performance ng bagong aktor sa pelikulang Heavenly Touch na malapit nang mapanood sa mga sinehan. Natuklasan ni Direk Manny si Joash sa isang acting audition. Ang innocent look ni Joash at magandang panganga-tawan ang naging puhunan niya para mada-ling matanggap sa pelikulang Heavenly Touch sa role bilang masahista. Pero, bago ang shooting, dumaan si Joash sa workshop ni Direk Joel at nakapasa naman siya. * * * KASALUKUYANG nasa Las Vegas pa si Chris Tiu. Tumutuloy siya sa hotel ng mga rich and famous kung saan naka-check in din ang entourage ni Manny Pacquiao, ang The Hotel of Mandalay Bay. Nagte-training ang Philippine team ng basketball sa US. Si Chris ay nagpunta lang sa Las Ve-gas para manood ng fight ni Manny kay Ricky Hatton. Naipangako niya ito sa kaibigang si Manny at co-host sa Pinoy Re-cords. Bukod sa panonood ng fight ni Manny, may ilang series of tapings siyang gagawin sa Las Ve-gas para sa Pinoy Re-cords. By the way, ngayong Monday ay mapapanood pa rin sa Ripley's Believe it Or Not si Chris dahil nakapag-advance taping siya bago umalis sa Pili-pinas. Kasama sa mga tatalakayin ngayong Lunes sa Ripley's ay ang babaing tinubuan ng mara-ming tumor sa katawan. Mapapanood din ang isang daredevil na sabay na magpapaandar ng motorcycle at kotse sa isang tagilid na oval na hindi man lang nalalaglag. Lahat ng kakaibang kuwento ay mapapanood sa GMA7 ngayong Lu-nes ng gabi sa Ripley's Believe It Or Not pagkatapos ng Fated to Love You. Source: Taliba |