|
|
| Juday, nag-deny na tini-text si Direk JoyceColumn: Hot 'n Spicy Hindi ipagpapalit ni Judy Ann Santos ang kapayapaan ng buhay niya ngayon sa isang project with Piolo Pascual. Kahit masasabing ayos na ang lahat sa pagitan nina Piolo at Ryan Agoncillo, diretsahan pa ring sinabi ni Juday na ayaw niya munang makatrabaho ang una. "Huwag na muna," say niya sa presscon ng Sakal, Sakali, Saklolo, filmfest entry ng Star Cinema. "Ang usapan kasi ngayon, hindi na sa paghahanap lang ng trabaho at sa perang ibabayad sa iyo, eh. Much more on peacefulness mo bilang tao na parang ito 'yung desisyon ko. Ayoko muna ng magulong buhay, tama na. Sana, maintindihan n'yo, kung hindi n'yo maintindihan, pasensiya na," she said. Bakit naman magkakaroon ng gulo? "Hindi naman, kaya lang, ang utak ng mga tao ngayon, 'pag nagtrabaho kayo, malisyoso ba. Na 'ah, kasi palaos na kaya gagawa ng pelikula. ' 'Yung ganu'n, ayoko ng ganu'n. Kaya kung gagawa ng pelikula, huwag na muna ngayon. "'Pag matandang-matanda na lang siguro kami. 'Yung mga may apo na kami," say pa niya. Gayunman, sinabi rin ni Juday na masaya siya't natapos na ang kung anumang away at sana ay makapag-move-on na sila pare-pareho. Ang feud naman nila ni Direk Joyce Bernal ang sumunod na itinanong kay Juday at say niya, "huwag na muna rin. " Matagal na silang hindi nagkakausap ni Direk Joyce at hindi raw totoong nagte-text-an na sila ulit tulad ng sinasabi ng direktora bagama't hanggang ngayon, wala pang naririnig na pahayag mula kay Juday kung bakit sila nag-away. * * * Marami sa members ng cast ng Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko (The Beginning of a Legend) ang hindi nakarating sa presscon last Thursday afternoon dahil nagkaroon daw ng problema't hindi na-inform ang ilang stars. Ito'y bukod pa sa nasabay sa masamang panahon at kaguluhan sa Makati nang araw na iyon. Pero naroroon ang pinakabidang si Vic Sotto at ang leading lady niyang si Kristine Hermosa, gayundin sina Carlos Agassi, Ruby Rodriguez, Aiza Seguerra at Jose Manalo, kaya maayos pa rin namang naumpisahan at natapos ang presscon. Ang pagkawala ni Oyo Sotto ang mas kapansin-pansin dahil sa mga isyung dapat sagutin, partikular na ang rumored affair nila ni Kristine. Ang ending tuloy, kay Kristine hinahanap ng press si Oyo, pero say ng young actress, hindi niya alam kung nasaan ito dahil hindi sila nagkausap. "Ang alam ko, makikita ko siya ngayon, pero wala nga siya. Mamaya siguro after the presscon, tatawagan ko siya at tatanungin kung bakit hindi siya nakarating," say na lang ni Kristine. Ang aktres na lang din ang pinagtatanong hinggil sa issue nila at tulad ng dati, ang linyang "magkaibigan kami" ang narinig ng press. Nanliligaw ba si Oyo sa kanya? "Tinanong ko siya minsan kung nanliligaw siya, ang sabi niya, hindi. So, hindi siya nanliligaw. At saka, 'di ba, sabi niya, hindi siya marunong manligaw?" Sinabi rin ni Kristine na wala pang kapalit si Diether Ocampo sa buhay niya, kaya ang aktor pa rin daw ang nasa puso niya. * * * Samantala, hinuhulaang magiging mahigpit na naman ang labanan this year ng mga pelikulang kasali sa MMFFP dahil bukod sa EK4, na consistent sa pagiging top grosser, nandiyan din ang Resiklo ni Sen. Bong Revilla at ang Sakal, Sakali Saklolo nina Juday at Ryan, sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo. Matatandaang ang KKK ang mahigpit na nakalaban ng EK3 last year, kaya ngayon, hinuhulaang sila pa rin ang maglalaban sa No. 1 slot. Ayon kay Vic, hindi siya nagulat nang makahabol ang KKK last year sa pagiging top grosser dahil ang gusto nga niya ay kumita ang lahat ng pelikula. "Kung humabol sanang lahat, mas mabuti. Walang plastikan ito, Metro Manila Film Festival is a fund- raising activity na marami ang natutulungan. So, hangga't maaari, kung puwede, top grosser lahat, mas mabuti para sa ating lahat. " Hindi na raw niya iniisip pa ang maging No. 1 dahil ang mas mahalaga sa kanya ay masiyahan ang mga tao, lalo na ang mga bata ngayong Kapaskuhan. Source: People's Tonight |