|
|
| Juday, pianghalong Marya at Nora sa 'Inday sa Balitaw' at 'Super Gee'!![]() Author: Alfie Lorenzo MATAPOS ang isang megahit na first season, hahataw na naman ang Komiks para sa kanilang second season. At siyempre, sino pa ba ang karapat-dapat na maging season opener, kundi si Judy Ann Santos, para sa episode na Inday Sa Balitaw. Ay naku, suki na nga yata talaga si Juday ng Komiks. Imagine, dalawang episodes na agad ang lalabasan niya ngayong second season, ha! Si Juday rin kasi ang nagbuwena-mano sa premiere episode ng unang season ng Komiks, na kung saan nga ay nagkasama sila ng kanyang real-life sweetheart na si Ryan Agoncillo, sa episode na Inday Bote. � Of course, it goes without saying na suwerte rin talaga ang Komiks kay Juday. At walang puwedeng tumutol doon, �no! Dahil nasa winning streak naman talaga ang alaga ko ngayon. Sobrang saya nga ang Dos dahil mega-success ang Sa Piling Mo nila ni Papa Piolo Pascual. Ito talaga ang totoong monster hit sa ratings, �no! Pero back to Komiks muna tayo, na kung sa akala ninyo ay matindi na ang unang season ng hit anthology na ito ng ABS-CBN, tiyak na masisilaw kayo sa second season ng Komiks. Eh kasi, mas malalaki ang stars dito, at mas kagigiliwan talaga ang mga kuwento nila, �no! Maliban po kay Juday, makakasama na rin ang iba pang stars ng Dos na sina Kristine Hermosa, Diether Ocampo, Angelika dela Cruz, Dominic Ochoa, Jodi Santamaria-Lacson, Nan-cy Castiglione, Patrick Garcia, Maja Salvador, Aubrey Miles, Troy Montero, Gloria Romero, Alma Moreno, at Chin Chin Gutierrez. Kabilang naman sa mga director sa season 2 sina Johnny Manahan, Jerry Sineneng, Erick Salud, Jerome Pobocan, FM Reyes at Dondon Santos. Siyanga pala, hindi basta-basta kuwento lang ang aapiran ni Juday sa paggi-guest niya sa Komiks. Ang unang episode nga ni Juday, na magbubukas ng season 2 ng Komiks, ay ang Inday sa Balitaw ni Pablo S. Gomez, na pinasikat din sa isang pelikula noon ng Diamond Star na si Maricel Soriano. Kasama rito ni Juday sina Alma Moreno, Malou de Guzman, Ces Quesada, Matt Ranillo, at Nash Aguas, mula sa direksiyon ni Erick Salud. Later in the season naman ay mapapanood ang ikalawang episode ni Juday, ang Super Gee. Base naman ito sa nobela ni Zoila na ginawang pelikula rin with Nora Aunor noong 1970s. Makakasama ni Juday rito sina Joel Torre, Susan Africa, Ramon Zamora, Gardo Versoza, Eugene Domingo, Zanjoe Marudo at Joshua Domingo. Si Jerry Sineneng naman ang nagdirek ng episode na ito. Mabuti na lang, marunong na ring magpatakbo ng motor si Juday, dahil tinuruan siya ni Ryan Agoncillo. Eh, �di ba, motor naman ang panlaban ni Super Gee sa komiks at sa pelikula noon ni Ate Guy? Anyway, dapat ding abangan ang mga upcoming episode ng Komiks. Nandiyan sina Angelika dela Cruz, Dominic Ochoa at Nancy Castiglione sa kuwento ni Vic Poblete, ang Lighting Roda. Sina Patrick Garcia, Maja Salvador at Gloria Romero naman ang magsasama-sama sa kuwento ni Elena Patron na Momay, na dinirek ni Jerome Pobocan. Sina Aubrey Miles at Troy Montero naman ang mga bida sa kuwento ni Pablo S. Gomez, ang Babaeng Pusa, na dinirek ni FM Reyes. Nagsama naman sina Jodi Santamaria-Lacson at Chin Chin Gutierrez sa kuwento ni Zoila, ang Valentina, na dinirek ni Dondon Santos. Ang real life sweethearts naman na sina Kristine Hermosa at Dither Ocampo ang magkasama sa kuwento uli ni Pablo S. Gomez, ang Bahay ng Lagim, na dinirek ni FM Reyes. So, bongga talaga ang Komiks, ha! Source: Abante |