Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Juday 'tinapatan' ni Charice

Juday 'tinapatan' ni Charice

Author: Salve Asis
Column: Show-my

Parang may kara­patan talagang sumama ang loob ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN. Kahapon, si Charice Pempengco ang napanood naming may birthday celebration sa ASAP, habang kasabay ang birthday celebration din ni Juday sa SOP. Naninibago lang siguro ang mga mata naming manonood na sa Kapuso Network si Juday madalas mapanood lately.

Nasanay na ang mga mata naming nasa Kapamilya Net­work siya at madalas lu­mabas. At ang the height, andun din si Sharon Cuneta sa SOP na dalawang oras daw itinago sa back stage dahil nga surprise guest siya ni Juday.

Nag-duet pa ang dalawa.

Bumati rin kay Juday ang 30 niyang mga kaibigan kasama na ang kanyang boyfriend na si Ryan Agoncillo.

Teka bakit nga ba walang birthday celebration si Juday sa ASAP?

* * *

Buti na lang at maraming advanced taping si OMB Chairman Edu Manzano sa Pilipinas Game KNB (PGKNB). Hindi ramdam sa mga episodes na napapanood since Tuesday ang kanyang pagluluksa sa pagkawala ng kanyang ina na inilibing kamakailan lang.

Pero ngayon, back to work na siya. In fact, starting today, Monday ay may bagong set at mechanics na ang PGKNB at may pasisikatin din siyang bagong dance tune na siguradong magiging phenomenal like Papaya.

"Ipapakita uli natin sa buong mundo kung gaano ka-malikhain ang mga Pilipino. Danceable siya at madali pa ring sabayan," sabi ni Edu.

Pinasikat ni Edu ang Papaya na konsepto ni Direk Bobet Vidanes, musika ni DJ MOD, at choreography ni Mel Feliciano. Naging mainit ang pagtanggap ng mga tao sa patok na dance craze kaya naman kahit saan ay nakikitang sinasayaw ito.

Pati nga sa ibang bansa ay naki-Papaya na rin matapos itong panoorin ng libu-libong tao sa video-sharing site na YouTube at na-feature pa sa morning show sa US na Good Morning America.

Kung dati raw ay napaabante ako, kakaibang   pataas at pababa na ang galaw ng mga panels sa pagbabago ng PGKNB starting today.

Pagdating naman sa papremyo, hanggang P1million pa rin ang ipamimigay at maaring mapanalunan araw-araw at may pagkakataon na ring makapag-uwi ng mahigit P50,000 pot money ang isa sa mapapalad na mga contestants sa pamamagitan lang ng pagbibigay ng limang sunud-sunod na tamang sagot.

Source: The Philippine Star