Mar 12
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Juday-Piolo, mabenta sa mga OFWs!

Juday-Piolo, mabenta sa mga OFWs!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

Tama ang desisyon ng Star Records Video na i-release agad sa DVD ang mga unang episode ng hit na hit na katatapos lang na teleserye ng ABS-CBN, ang Sa Piling Mo.

Sa unang linggo pa lang sa market, mainit itong tinanggap hindi lamang ng mga tagahanga nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual kundi pati ng mga OFWs.

At pati na ang SPM VOL. 2. ay pinagkaguluhan na rin nila, matapos nga itong mailabas kamakailan, ha!� Handang-handa nga sila sa limang oras na iyakan!

Nagsimula ang SPM VOL. 2 kay Jennifer. Isang takas na bilanggo at isa na ring ina. Hindi malaman ni Jennifer ang gagawin kung paano bubuhayin ang kanyang anak kay Adrian (Piolo Pascual). Hanggang isang solusyon ang ipinirisinta sa kanya, ang magpanggap na si Katherine Chuatoco at kalimutan na ang kanyang tunay na katauhan.

Sa kabilang dako, si Adrian ay inoperahan at muling nakakita. Saan hahantong ang kanyang paghahanap kay Jennifer? Anim na taon ang lumipas, ang mga magkaaway ay magiging magkaibigan, magkakaiibigan ay magiging lovers, at dalawang nagmamahalan ay muling magkikita.

Paano babawin ang isang pag-ibig na iba na ang may-ari? Nang magtagpo sina Jennifer at Adrian, mawawala rin pala ang pag-ibig na pilit nilang ipinaglalaban hanggang kamatayan!

Kabituin sina Rica Peralejo at Albert Martinez, ang Sa Piling Mo ay mula sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng, Trina Dayrit at Rory Quintos. Ang kumpletong serye sa DVD ay anim na volume na may behind-the scenes at music video ng Ikaw Lamang.

Ang SPM VOL. 2 sa orihinal na kopya ay mabibili sa Astrovision, AstroPlus, Odyssey, New Radio City, Video City, SM Record Bars at iba pang sikat na outlet sa buong bansa.

***

Nakaka-impress naman ang bagong show ni Gladys Guevarra sa ABC, ang

Gladys Guevarra

�Todo Max! Aba, dahil last Sunday ay umarangkada ito nang husto sa ratings game.

Eh sa tindi pa ba naman ng spontaneous jokes at contagious laughter ng comic diva at siyempre sabayan pa ng makatindig-balahibong caught-in-video clips, hindi ka nga raw maglilipat pa ng channel.

But as far as the show�s rating success is concerned, hindi rin patatalbog ang makulay at nakakatawang tambalan nina radio jocks Nicole Hyala at Chris Tsuper. Ang laugh-till-you-drop hirit ng tambalang balasubas at balahura ng DZMB 90.7 Love Radio ang siya naman talagang nagdadala sa nasabing programa.

Hindi ka ba naman matawa sa katagang: �Gusto mo pang mabuhay, magdasal ka, gusto mo pang mabuhay ang iba, mag-toothbrush ka!"

Ngayong gabi, ano na naman kaya ang mangyayari sa Todo Max!?

***

Samantala, lumipat na sa bago nitong timeslot ang pilit na ginagaya ngunit hindi makuha ang timpla na Shall We Dance: The Celebrity Dance Challenge ni Lucy Torres-Gomez. Ngayong Linggo, 8:00 pm, start sending in your votes para sa lucky dancing pair na gusto n�yong mapabilang sa season dance grand showdown ng SWD.

At pagpatak ng 9:00 pm, nandiyan naman ang Philippine Idol para sa nakaktadang results� show after the boy�s performance.

***

Sa ABC pa rin, isa na namang celebrated public official ang guest bukas ng gabi, sa nakakaaliw na show nila, ang Totoo TV! hosted by Maverick & Ariel. Ang presidential son na si Pampanga Rep. Juan Miguel "Mikey" Arroyo ang kanilang bibisitahin sa Lubao Pampanga.

Sa kabila ng mga isyung kinakaharap ng kanyang pamilya, game pa rin kaya si Congressman na makipag-kulitan?

Sa episode na ito, makikilala mo rin ang magandang asawa ni Cong. Mikey na si Angela Montenegro at ang kanilang dalawang anak na sina Mikaela Gloria at Marie Angelique.

Maliban sa walang puknat na kwentuhan, next level rin ang bonding ng tatlo sa paglalaro ng badminton, basketball at golf! Inilibot din sila ni Mikey sa Malaca�ang.

Paano nga ba maging presidential son, artista at pulitiko in one?

Sa Martes naman ay kaabang-abang ang episode ng ALI, dahil pag-uusapan nila ang mga bading na nag-asawa at nag-anak.

Guest nila sina Ogie Diaz, Ansel Beluso, at Mama Rene Salud. Isi-share ni Ogie ang tungkol sa kakaibang relasyon nila ng kanyang live-in partner na si Sol � isang ganap na babae � at ang kanilang dalawang anak na babae. Kahit tatay na si Ogie, bading pa rin ang tingin niya sa kanyang kasarian.

Iba naman ang naging karanasan ni Ansel Beluso. Dati siyang bading na nagkaroon pa ng sexual relations sa mga lalaking menor-de-edad. Pero ngayon, isa na siyang active member ng Couples for Christ at full-fledged straight guy.

Si Mama Rene naman ang kokontra sa dalawa.

Source: Abante