Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Juday-Ryan, ayaw ipagyabang ang pagtulong!

Juday-Ryan, ayaw ipagyabang ang pagtulong!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

MARAMI ang gusto na mag-interview kina Juday at Ryan Agoncillo dahil sa ginawa nilang pag-rescue sa pamilya ni Gla­dys Reyes, at sa mga kapitbahay nito, nu'ng kasagsagan ng bagyong Ondoy.

Pero, lahat sila ay bigo, dahil tumatanggi talaga ang dalawa na magdetalye pa sa ginawa nilang kabutihan. Kung hindi nga lang nagpasalamat si Gladys sa dalawa ay hindi naman malalaman ng publiko ang ginawang maganda ng mag-asawa.

Naku, 'yan naman talaga ang tamang gawin. Kung tutulong ka, hindi mo na kailangang ipa­ngalandakan pa, 'no! Hindi sila katulad ng iba, na konting tulong lang ang ginawa, nai-broadcast na sa buong mundo.

Naku, hindi po sabik sa publicity sina Juday at Ryan. Ayaw na ayaw nilang ipinagyayabang ang mga pagtulong na ginagawa nila. Tumutulong sila hindi para maisulat sila ng maganda. Taos sa puso ang pagtulong na ginagawa nila.
***

Dahil kay Ondoy, maraming activities ang kanselado. Ang event na “Ka-QC Ako”, ang grand celebration ng Quezon City, sa kanilang ika-70th foundation day na dapat ay gagawin sa O­ctober 11 at 12 sa Quezon Memorial Circle ay hindi na muna matutuloy. Wait na lang kayo ng announcement kung kailan 'yon mangyayari.
***

Pero, tuloy na tuloy naman ang audition para sa Family Feud. Kaya kung ready na kayong maglaro at mag-enjoy kasama ang inyong pamilya, go na sa audition.

Sa mga type sumalang agad, ihanda na ang buong pamilya at bumuo ng grupo na may limang fa­mily members, na may edad 18 pataas, at magdala ng dalawang valid IDs at original copy ng birth certificate at mag-audition sa GMA Network Center tuwing Sabado.

Sa October 19 na ito magsisimula, kahit ita­nong n'yo pa kay Richard Gomez.
***

Hindi naman siyempre magpapatalo ang mga Kapuso stars sa pagtulong sa mga biktima ni Ondoy.

Nag-volunteer nga ang mga Kapuso stars bilang mga telephone ope­rators at nagri-repack, na sina Lucy Torres-Gomez, Marvin Agustin, Iza Calzado, Mark Herras, Eula Valdez, Ryza Cenon, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Isabel Oli, Benjie Paras, Arnell Ignacio, Ma­verick, Butch Francisco, Sherilyn Reyes, Prince Stefan, Stef Prescott, Ynna Asistio, Vivo Ouano, Jonalyn Viray, Gian Magdangal, Jay Perillo, Dulce, Mosang at Mocha Unson.

Siyempre, nandiyan din sina Mel Tiangco, Ding­dong Dantes, Dennis Trillo, Arnold Clavio at Pia Arcangel.

Nag-donate naman ng cash sina Richard Gutierrez, Marian Rivera, Ogie Alcasid, Rhian Ramos, Mark Herras, LJ Reyes, JC de Vera, Sunshine Dizon, German Moreno, Francine Prieto at si Manny Pacquiao, na nagbigay ng P1 million cash.

Source: Abante