Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Juday-Sarah, hinaharang!

Author: Jun Nardo

INAMIN ni Judy Ann Santos na mas feel daw niya ang story ng pelikulang pagsasamahan nila ni Sarah Geronimo kesa sa mga scripts na ino-offer sa kanya ng Star Cinema.

Tindera kasi sa ukay-ukay ang role nila kaya very, very light lang itong gawin ng junior superstar in case mabuntis siya ni Ryan Agoncillo habang ginagawa ang movie.

Balita kasing hinaharang ang pagsisimula ni Juday sa Viva Films dahil sa big­laang pagpirma ni Claudine Barretto sa kumpanya. Ang movie ni Claudine with Anne Curtis kasi ang pinaplano ng Viva at Star Cinema na pagsosyohan.

Eh, sa tambalang Claudine at Anne, sabi ng isang beterano sa showbiz, “Ano 'to? Para mong pinagsama sa isang mo­vie sina Vilma Santos at Carmi Martin! Walang chemistry!”

Pero harangan man ng sibat ang Juday-Sarah project, naniniwala si Tito Alfie na matutuloy 'yon dahil nakakubra na siya ng talent fee ng alaga, huh! Ha! Ha! Ha!

Source: Abante