Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Judy Ann Santos ayaw pumirma ng panibagong kontrata sa Dos

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

NAUDLOT pala ang pagpirma ng paniba-gong kontrata ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN noong Miyerku-les.

Gusto kasing pag-aralan muna nang husto ni Juday ang contract kaya pinapaasikaso mu-na niya ito sa kanyang lawyers. Ayaw na raw niyang mangyari ulit ‘yong dati na basta pirma na lang nang pirma.

Kung masusunod si Juday, ang gusto ni-yang kontrata sana ay per show na lang. ‘Yung walang network exclusivity. Gusto niyang tularan ang contract ng kanyang fiancée sa Dos na per show lang o kaya ‘yong kay KC Concepcion na non-exclusive.

Well, sa status naman ngayon ni Juday bi-lang artista ay puwede na siyang mag-demand. Isa pa, nandiyan din ang offer ng GMA-7 sa kanya to consider.

Sa ibang isyu, naloka si Juday nang malamang pinagseselosan pala siya ni Angelica Pa-nganiban dahil kay De-rek Ramsay na leading man niya ulit sa teleseryeng Hiningi Ko Sa Langit.

First time daw ni-yang naisyuhan ng ganyan na pagselosan siya ng kahit na sino at hindi niya malaman kung mapa-flattered ba siya o maiinis.

“Naku, ako pa ang pagseselosan ni Angel, alam naman niyang engaged na ako kay Ryan (Agoncillo). Alam mo if they (Angel & Derek) really trust each other, walang jealousy issue dapat. At saka trenyts na ako, siya bata pa. Ako pa nga ang nai-insecure sa kanya dahil sa malulusog niyang dibdib!” pahayag ni Juday na natatawa na lang sa isyu.

Aminado si Juday na laging bumibisita si Angelica sa taping nila ni Derek. Pero, wala naman siyang nakikitang masama roon. Tahimik lang daw ang aktres at hindi nanggugulo sa set. Isa pa, nakabubuti raw ‘yun kay Derek dahil halatang inspired ito kung nasa set ang kanyang GF.

Happy si Juday nga-yon dahil kumita nang malaki ang Matakot Ka Sa…Kulam kung saan malaki ang posibilidad na ma-nominate siya bilang best actress tulad sa Plo-ning na kasala-kuyang ini-screen ngayon sa States for the Oscars.

Kaya wala si-yang keber kung next year pa ipapalabas ng Dos ang kanyang Hu-mingi Ka Sa La-ngit.

* * *

NALOLOKA rin si Valerie Concepcion sa ibinabato sa kanyang isyu na pag-dadala raw niya ng ulam kay Willie Revillame sa Wowo-wee.

Hindi lang naman daw si Papi ang dinadalhan niya ng ulam kund pati ang co-hosts niya sa show.

Ito nga raw ang dahilan kung bakit super favorite siya ni Papi sa lahat ng female co-hosts ng Wowowee kaya naman hinikayat daw siya nang husto ni Willie mismo para maging endorser ng Energo Energy Drink.

Masaya ring ibinalita ni Valerie na nag-start na siyang mag-shooting para sa pelikulang One Night Only kung saan isang sex maniac ang role niya, na bagay naman sa kanya.

Panay raw ang pu-pog niya ng halik sa bu-ong katawan ni Jon Avi-la at super delicious nga raw ang tisoy na aktor kaya wish niyang mag-guest ito sa gag show nilang Banana Split.

Huwag daw mag- ilusyon si Richard Poon. Sinabi lang daw niya na kanyang gusto ang boses nito, pero wala siyang sinasabi na gusto niya itong maging BF. Kaya kung sinabi man ni Richard na si Sarah Geronimo ang type niyang maka-duet at hindi siya, wala si-yang keber.

Naku, sikat na nga si Valerie C ngayon dahil kaliwa’t kanan na ang mga isyu at controversies na ipinupukol sa kanya.

Super sexy nga kasi ang lola mo kahit may dyunaniks na kaya naman ang dami pa ring nabibighani sa kanya.

Source: Taliba