|
|
| Julian, bagong child wonderAuthor: People's Tonight MADALING napamahal sa movie press ang 10-year-old son ni Sen. Jinggoy Estrada na si Julian. Kakaiba ang karisma ng bata kahit "maangas" kumilos, lalo na sa harap ng camera. Nakaw-eksena siya sa pelikulang Katas ng Saudi ng Maverick Films, kung saan bida for the first time ang tambalang Lorna Tolentino at Sen. Jinggoy sa Metro Manila filmfest. Madalas nang marinig ang salitang "maangas" kapag may bagong artistang malakas ang dating o kaya'y punumpuno ng sex appeal. Sa unang pagharap ni Julian sa presscon ng Katas ng Saudi, lagi siyang nakangiti. Dimples pa lamang, 'ika nga'y ulam na. Hintayin pang maging teenager ito at magkakaproblema na si Precy, mommy ni Julian, sa rami ng pipilang bading na "liligaw" sa bagets. Naging malaking pressure rin ang Papa Jinggoy niya dahil hindi akalain ni Julian na napakagaling pala nitong umarte. Narinig din niya ang birong pahayag ni Direk Joey Reyes na "kapag hindi nanalong Best Actor si Sen. Jinggoy, magre-resign na siya. " To Direk's surprise, nagpakitang-gilas din si Julian. Effortless ang pagtulo ng mga luha nito sa eksenang aalis na uli ang tatay niyang si Oca (Sen. Jinggoy), na unti-unti pa lamang napapamahal sa kanya. Imagine nga naman na sa loob ng 10 taon, hindi niya nakita o nakilala man lang ang tunay na ama? Hindi naging sapat sa murang isipan niya ang kawalan ng pisikal na pag-aaruga ng ama. Don't miss Katas ng Saudi sa MMFF para makita ang birth ng isa pang child wonder in Julian. In-enjoy din talaga ng bagets ang presence ng napakagandang si Shaina Magdayao sa pelikula. Kung pumayag nga lang daw ang co-star nilang si Rayver Cruz, tuturuan siya ni Julian kung pa'no masusungkit ang puso ni Shaina. Hahaha! Nasa cast din ng Katas ng Saudi sina Lorna Tolentino, Aaron Villaflor, Eugene Domingo at Dick Israel. CR Source: People's Tonight |