|
|
| Juliana natitipuhan ng Japanese produ![]() Column: Rated A Ang pelikulang When Love Begins na pinagtatambalan sa kauna-unahang pagkakataon nina Aga Muhlach at Anne Curtis under Star Cinema ay pang-walong pelikula na bale ni Aga with direk Joey Javier Reyes. Una silang nagkatrabaho nung 1992 sa pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal na pinagtambalan nina Aga at Lea Salonga. Ito'y Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng OctoArts Films noong taong 'yon. Ang nasabing pelikula ang nakapagbigay kay Aga ng kanyang kauna-unahang Best Actor trophy mula sa MMFF Awards. Ang Bakit Labis Kitang Mahal ang second top grosser ng MMFF that time at ito ang nanguna sa takilya sa unang araw nitong palabas. Magmula sa Bakit Labis Kitang Mahal ay nasundan pa ito ng May Minamahal na pinagtambalan nina Aga at Aiko Melendez, Hindi Kita Malilimutan with Carmina Villaroel, Nag-iisang Bituin with Vilma Santos, Bayarang Puso with Lorna Tolentino, Narinig Mo Na Ba ang L8est with Joyce Jimenez at Kung Ako Na Lang Sana with Sharon Cuneta. Hindi ikinakaila ni Aga na isa si direk Joey Javier Reyes sa kanyang mga paboritong direktor. "Hindi lamang mabait at magaling na direktor si direk Joey kundi masarap siyang katrabaho. Hindi siya nauubusan ng magagandang ideas. He has also become a good friend through the years," pag-amin ni Aga na at the age of 38 (turning 39 in August) ay puwedeng mapagkamalan in his 20s lang. Kung "Siyempre, nakakataba ng puso. Ako rin naman, marami pa rin akong pangarap na makatrabaho na hindi ko pa nakakatrabaho hanggang ngayon," aniya. Ayon sa kanyang bagong leading-lady na si Anne, sampung taon umano ang kanyang binilang bago niya na-realize ang kaniyang pangarap na makatambal si Aga, kaya dream come true talaga para sa kanya ang When Love Begins na matutunghayan na sa mga sinehan simula sa Abril 30. Kung nagkataon na binata si Aga at loveless si Anne, hindi raw imposible na mainlab sila sa isa't isa lalo't napakaganda ng kanilang working relationship. "Napakaganda, sexy, matalino at mabait si Anne. Kahit sinong guy ay puwedeng mainlab sa kanya. Pero hanggang sa paghanga na lang ako ngayon," natatawang pahayag ng mister ni Charlene Gonzales. "Mula Ang When Love Begins ay tinatampukan din nina Christopher de Leon, Boots Anson-Roa, Ronaldo Valdez, Rafael Rosell, Dimples Romana, Mandy Ochoa, Desiree del Valle, Angel Jacob, AJ Dee at ang PBB graduates na sina Michael Perz at Jon Avila. * * * Sa press launch ng Maligno, inamin ni Diether Ocampo na magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon ng napabalitang dating asawa na si Kristine Hermosa pero hindi umano sila nagkabalikan tulad ng pinalalabas ng iba. Patuloy na nali-link si Kristine sa binata ni Vic Sotto na si Oyo Sotto at ayaw magkomento ni Diether tungkol dito. Ayon kay Diether, loveless pa rin siya hanggang ngayon pero hindi umano ito nangangahulugan na hindi siya masaya lalo pa't maganda ang takbo ng kaniyang career at pinagkakaabalahan din ang kaniyang iba't ibang negosyo at ang KIDS Foundation niya. Natutuwa si Diether na muli silang magkatrabaho ng kanyang best friend na si Claudine Barretto hindi lamang sa Maligno na tatakbo ng 20 days kundi maging sa kanilang bagong sisimulang teleserye sa Dos, ang Iisa Pa Lamang na tatampukan din nina Gabby Concepcion at Susan Roces. * * * Nung nakaraang Lunes, Abril 21 sa kaarawan ni Ricky Lo, ang respetadong entertainment editor/writer at host ng The Ricky Lo Exclusives sa QTV, nagbigay ng isang exclusive at intimate dinner ang Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde sa birthday celebrant na ginanap sa Choi's Garden sa may Annapolis St. sa Greenhills, San Juan City. Ang nasabing birthday dinner ni Ricky Lo ay dinaluhan nina Mother Lily, Sen. Loren Legarda, Sen. Chiz Escudero at wife niyang si Tintin, Susan Roces, Annabelle Rama, Manay Ichu Maceda, Manay Lolit Solis, Douglas Quijano, June Rufino, Manay Ethel Ramos, Ronald Constantino, Shirley Kuan, Girlie Rodis, Dolor Guevarra, direk Boots Plata, Danny Dolor, Andeng Bautista-Ynares, Paul Cabral, Raul Tidalgo, Mario Dumaual, Malou Choa-Fagar, Lawrence Tan at GMA executives na sina Wilma Galvante at Redgie Magno na humabol galing sa grand launch ng Dyesebel na ginanap sa poolside ng Sofitel Hotel. Kahit hindi taga-showbiz ang dalawang senador na sina Loren at Chiz, komportable ang mga ito sa mga dumalong bisita ni Ricky na mga kaibigan din nila. Sa darating na linggo, sina Manay Ichu, Susan Roces at Danny Dolor naman ang maghu-host ng belated birthday dinner para kay Ricky. * * * Kung masasara ang negosasyon, si Juliana Palermo ang napipisil ng isang successful Japanese businessman/producer na mag-host ng sarili niyang programa na pinamagatang Buhay Magpapabalik-balik si Juliana ng Isa sa gustong tutukan ng Buhay Marami rin namang success stories ang ating mga kababayan sa Japan at kasama na rito ang matagumpay na singer na si Marlene dela Peña. Nakatakda ring mag-column si Juliana sa Pinoy Gazette, ang longest-running at leading Filipino newspaper sa Japan. * * * Source: The Philippine Star |