Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

KATRINA, MAY BANTA KAY KRIS!

KATRINA, MAY BANTA KAY KRIS!

Author: Rey Pumaloy

Parang umaarte si Katrina Halili!

Eh kasi naman, kahit lantaran na kung maglambingan sila ni Kris Lawrence, panay pa rin ang hirit niya na mutual understanding lang ang namamagitan sa kanila.

Eh, ang hirap namang paniwalaan noon, dahil kitang-kita naman na may relasyon talaga sila.

Sabi nga, bakit ba parang mahirap aminin sa parte ni Katrina na boyfriend na niya si Kris? Bakit kailangang lagyan ng label na mutual understanding pa lang sila, samantalang doon din naman papunta ang lahat.

Sabi ni Katrina, hindi pa raw niya kayang ibigay nang buong-buo ang sarili niya kay Kris. Takot daw siya na magkaroon ng pressure ang samahan nila, dahil baka humantong daw sa paghihiwalay.

Aminado naman si Katrina na may feelings siya para kay Kris. Pero, ayaw raw niyang matali sa commitment.

Sabi pa ni Katrina, ipinagbabawal na niya kay Kris na makipag-date sa ibang babae. Katwiran niya, kahit daw wala pa silang commitment, dapat ay respetuhin nito ang feelings niya bilang babae.

At bilang respeto rin daw niya kay Kris, hindi na rin daw siya nakikipag-date sa ibang lalake.

Sa sitwasyon na `yon, hindi pa ba relas­yon na matatawag `yon?

Anyway, nasa Amerika raw si Kris ngayon para mag-concert kasama sina JayR at Pops Fernandez.

At may himig pagbabanta si Katrina, sa sandaling may matuklasan siya tungkol kay Kris.

“Hihiwalayan ko siya kapag nalaman kong nakipag-date siya sa ibang babae sa Amerika!

“Pero, malaki naman ang tiwala ko kay Kris. Na hindi siya magiging two timer. Hindi siya makiki­pag-date sa ibang babae, kahit malayo kami sa isa't isa.

“On my part kasi, si Kris lang talaga ang nag-iisang lalake sa puso ko,” prangkahang sabi ni Katrina.

Well, in love na nga si Katrina kay Kris. Katunayan, si Kris lang ang unang lalake na isinama niya sa rest house nila sa Palawan.

Isinama nga ni Kat­rina si Kris sa Palawan noong October 31, at noong November 3 lang sila bumalik ng Maynila.

Kuwento ni Katrina, nagpumilit daw kasi si Kris na sumama sa kanya sa Palawan. At hindi naman daw niya ipinagdamot ang pagkakataon na `yon kay Kris.

Sa Bagong Taon nga pala ay magkasama rin sina Katrina at Kris sa Los Angeles.

“Dito kami sa Pilipinas magsi-celebrate ng Christmas. And then, sa December 26 ay pupunta agad kami sa Amerika para doon naman salubu­ngin ang 2009.

“Actually, invitation `yon ng kaibigan ko na nakatira sa Los Angeles. Pero siyempre, dahil din kay Kris, kaya gusto ko na doon mag-celebrate ng New Year.”

Sa pagkakataong 'yon, buong pamilya na ni Kris ang makikilala ni Katrina.
Anyway, halatang kilig na kilig at masayang-masaya si Katrina sa tuwing si Kris ang pinag-uusapan.

“Ngayon lang kasi ako nakakita ng lalake na alam kong seseryoso sa akin,” seryosong sabi pa ni Katrina.

Anyway, sigurado ngang dadalo si Katrina sa Parade of Stars sa December 24 para sa pelikula nilang One Night Only, kasama sina Diana Zubiri, Alessandra de Rossi, Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion.

Source: Abante