|
|
| KATRINA, TYPE PABUNTIS KAY KRIS!![]() Author: Jun Nardo NAIINGGIT si Katrina Halili kay Jennylyn Mercado dahil seksi pa rin daw ito kahit nakapanganak na. “Inggit talaga ako kay Jen dahil ang seksi-seksi pa rin niya, to think na nabuntis siya at nakapanganak na, huh! Puwede na nga rin akong mag-baby ngayon! “Joke lang! Ha! Ha! Ha!” pag-amin ni Katrina nang makatsikahan namin sa presscon ng One Night Only ng OctoArts Films. Gusto na niyang magka-baby? Kanino, kay Kris Lawrence? “Bakit hindi? Joke lang! Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot niya. Teka, may isyu na tinarayan daw siya ng co-star niyang si Allesandra de Rossi? “Actually, hindi ko alam 'yon. Naging isyu lang pero hindi ko lang alam. siguro, 'yun 'yung dalawang pictorial na na-late ako. Hindi naman ako late. Late call lang ako. “May commitment ako noon. Seven PM ang call time ako at sila, four PM. So, naghintay sila sa akin. “Nag-sorry naman ako sa kanila. Sabi ni Alex, wala naman daw problema. “Nu'ng second pictorial, na-late ako dahil... Saan ba ako naggaling nu'n? Ah, natapos ang taping ko ng Gagambino ng seven AM at seven thirty na ako nakauwi. “Nakatulog ako ng isang oras at nine thirty na ako nagising kaya nagmadali ako. “Dumating ako ng ten thirty. Simula noon, nagkaroon ng isyu pero hindi naman ako tinarayan (ni Alessandra)!” kuwento ni Katrina. At dahil lima silang babae na magkasama sa One Night Only, sabi-sabi na matinding patalbugan ang ginawa nila. Siyempre, pagdating sa pagpapaseksi, hindi nagpatalbog si Katrina! “Ahh, siyempre, seksi kasi motel, eh. Comedy po siya kaya hindi naman all out. “Kay Ricky Davao ako may pinakamaraming eksena. Madalian 'yung eksena naming nagsi-sex, kasi nagmamadali ako dahil may flight ako! Ha! Ha! Ha! “Basta promise ko, masa-shock sila sa eksena ko dahil ako na-shock din! Ha! Ha!” Alam ba ni Kris 'yung pagpapaseksing ginawa niya sa movie? “Hindi naman ako sobrang daring. Hindi naman siya nakikialam at alam ko ang limitations ko,” tugon niya. Ano ba ang nagustuhan niya kay Kris? “Hindi ko alam pero mabait siya,” sey niya. Two months na silang member ng mutual admiration society. Bakit parang ang bilis-bilis ng pangyayari sa kanila ni Kris? “Ganoon po talaga. Hindi na kailangang patagalin ang mga ganyan. Lalo na sa getting to know stage na 'yan! Basta okey, 'di ba? Wala siya ngayon. Nasa eroplano, papuntang Chicago,” balita niya. Ganoon ba talaga pag-MU, alam lahat ang schedules? “Opo! Ganoon talaga po!” sambit niya. Parang kitang-kita ang kasiyahan sa mata niya, huh! “Opo, masayang-masaya ako!” Paano 'yon, eh, Inglisero si Kris? Keri ba niyang mag-Ingles? “Marunong naman po siyang mag-Tagalog! Saka malambing magsalita. Ay, sinabi ko raw na malambing, hindi naman tinatanong kung malambing! Ha! Ha! Ha!” Pero wala pa silang commitment? “Para sa akin naman, hindi importante ang commitment. Mas importante 'yung okey kayong nagsasama. Nagkakaintidihan kayo! Basta, okey na 'yon,” rason niya. Nahalikan na ba siya ni Kris? “Ha? Siyempre po! Kayo nga po. Nag-kiss na tayo. Beso-beso! I mean, beso-beso! Ha! Ha! Ha!” paiwas na sagot ni Katrina. Masarap bang humalik si Kris? “Ha? Ha! Ha! Ha! Diyos ko, bata pa po ako sa mga ganyang eksena!” tugon niya. Bukod kina Katrina at Alessandra, kasama rin sa pelikula sina Diana Zubiri, Valerie Concepcion, Jennylyn Mercado, Paolo Contis, at Jon Avila. Source: Abante |