KC Concepcion admits she is still overwhelmed by her mother's success Author: Heidi Anicete Sa pangalawang bahagi ng eksklusibong panayam ng SNN kay KC Concepcion, mabilis na inamin ng dalaga na number one fan siya ng mommy niyang si Megastar Sharon Cuneta. Sa kabila man daw ng close na close na relasyon nilang mag-ina, hindi itinanggi ni KC na hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang na-o-overwhelm ng mga accomplishment nitong tinataya niyang mahihirapan talaga siyang pantayan. Paliwanag nga niya, " Na-o-overwhelm ako na di pa rin siya binibitawan ng mga nagmamahal at sumusuporta sa kanya, at 'di rin siya bumibitaw... I am so proud of her." Bunsod na nga rin ng mataas na pagtingin sa tagumpay na tinatamasa ng ina, sinasabi ni KC na si Mega na rin di umano ang hugutan niya ng advices with regard to her showbiz career, lalong-lalo na sa tuwing nahaharap sa iba't ibang intriga. Thinking na ang mga bagay na pinagdadaanan niya at pagdadaanan pa lamang niya sa hinaharap ay naharap na ng mommy niya, aniya'y she is definitely the best adviser there is for her to consult. Napag-usapan na rin ang malapit na relasyon niya sa ina, sinubukan ring alamin ng SNN ang panig ni KC kaugnay ng naging pagpapakasal noon ng Megastar kay Senator Kiko Pangilinan. Hindi naman naiwasang matawa ni KC habang binabalik-tanaw ang panahong unang beses na ibinalita sa kanya ng mommy niyang engaged na ito. Sobrang excited raw talaga noon ng mommy niya, kaya nang tanungin siya kung okay lang sa kanyang magpakasal siya ay mabilis siyang napa-oo kahit pa noong mga panahong iyo'y clueless pa siya sa tunay na kahulugan ng mga salitang 'engaged' at 'kasal.' Para naman daw kasi sa kanya, ang importante lang ay makita niyang masaya ito. Source: ABS-CBN Interactive |