Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

KC Concepcion at Heart Evangelista, magkaaway?

KC Concepcion at Heart Evangelista, magkaaway?

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

AGAW-PANSIN ang eksena ni Heart Evangelista sa TV plug ng series nila ni Richard Gutierrez na Codename: Asero sa revealing costume niyang animo'y isa siyang belly dancer.

Seksing-seksi ang dating ni Heart sa nasabing plug na impresibo ang dating dahil sa malalaking eksenang ipinakita lalo na ang mga actions scenes sa disyerto ng Dubai.

Daring at wala na ngang takot magpakita ng kaseksihan ang ex-girlfriend ni Jericho Rosales. Isang paraan nga naman 'yon upang agad tumatak sa utak ng tao ang pagbabalik niya sa TV lalo na sa sa Kapuso loyalists!

But what's this we heard na all is not well between Heart at KC Concepcion? As we all know, nang pasukin ni Heart ang bakuran ng GMA, nakagawa siya ng ingay na sinundan pa ng kumpirmasyon niya sa break-up nila ni Jericho.

Eh, all of a sudden, pumutok ang tambalang KC at Richard, hindi lang sa Star Cinema kundi maging sa GMA Films, huh! Siyempre, kahit paano ay natabunan si Heart ng balitang KC-Richard!

Kaya para hindi siya matalbugan ni KC, nagpa­kaseksi siya sa Codename:

Asero at malaking come on nga naman 'yon upang mapag-usapang muli, di ba? After all, if KC can be sexy, bakit hindi naman si Heart?

Sa napipintong intriga betweek KC and Heart, siyempre, ipit diyan si Richard. Paano niyang babalansehin ang oras niya between her two leading ladies?

Sa parte ng GMA, mas dapat na kilingan ni Richard si Heart dahil siya ang kapareha nito sa Asero. Sa punto ng Star Cinema, si KC ang dapat samahan ni Richard, lalo na't nagsimula nang magsyuting ng dalawa at August na ang playdate ng movie nila!

Eh, continuing ang tambalan ng dalawa kaya hindi rin puwedeng agad silang magkahiwalay ng landas, dahil may GMA movie pa sila!
***

Nagsanib-puwersa ang mga Kapuso at Kapamilya stars para sa first full length animation na Urduja na produced ng APT Entertainment at mapapanood na sa June 18.

Certified Kapuso si Regine Velasquez na siyang nagboses kay Urduja at Kapamilya naman ang kapareha niyang si Cesar Montano. Magkasama rin sila sa soundtrack ng animated feature kung saan bahagi ang theme song ng movie na Babae Ako na kinanta ni Regine mula sa lyrics ni Joey de Leon at musika ni Ogie Alcasid.

Bukod sa dalawa, maririnig din ang mga boses nina Eddie Garcia, Johnny Delgado, Jay Manalo, Allan K, Ruby Rodriguez at Michael V.

Tunay na dapat ipagmalaki ng bawat Pinoy ang pelikulang Urduja dahil gawa ito ng sikat at magagaling nating animators na maihahambing ang kanilang produkto sa de kalidad na animation na gawa ng foreign producers.

At sa Urduja naganap ang suporta ng Kapuso at Kapamilya stars, huh!
***

Mapapasakamay na ng bawat manonood, certified Kapuso man o hindi, ang phenomenal na TV series na MariMar ngayong inilabas na ng GMA ang home video ng pinag-usapan at tinangkilik na telenovela na binigyang-buhay ni Marian Rivera.

Muling mababalikan ng makakabili ng video ang mga episode na hindi nila napanood dahil na-traffic sila sa pag-uwi o dahil meron silang importanteng appointment that day.

Bale 15 volumes ang video ng MariMar na muling maaliw sa kagandahan ni MariMar, ang kaguwapuhan ni Sergio Santibañez (Dingdong Dantes) at ang kasamaan ni Angelika (Katrina Halili).

Bukod sa buong series, may primer pa at special feature ang home video na mabibili sa lahat ng SM, Astrovision, at iba pa.***

For comments and reactions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com.

Source: Abante