Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

KC, Piolo madalas mahuling magka-date

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

NA-DEVELOP na nga ba sa isa't isa sina Piolo Pascual at KC Concepcion?

Kapansin-pansin na kahit saan ay magkasama ang dalawa at kahit hindi pa man sinu-shoot ang Lovers in Paris na sila ang bida, vi-sible na sina Piolo at KC to-gether.

Masasabing constant date na nga ni KC si Piolo, at mukhang may consent naman ito ng mga magulang ng dalaga.

Nakita namin si Piolo recently, in fairness, guma-wapo at tila hindi nawawala ang appeal nito . Excited din ang aktor sa nalalapit na pagpapalabas ng Lovers in Pa-ris sa Sept. 28.

Mahaba-haba pa ang mga araw at oras na pagsa-samahan nina KC at Piolo sa tapings nila. Marami pang Manila scenes ang kukunan kahit sabihin pang tapos na sila sa ilang episodes sa napa-kagandang lugar ng Paris, France.

Inaabangan naman ng fans ang kakaibang pagganap ni Piolo rito dahil suplado ang karakter niya bilang si Carlo at mailap sa pag-ibig. Exact opposite sa mga ginampanan na ni Piolo in the past na romantiko at husband-material ang character.

* * *

BAHAGI si Gab Valencia-no ng much-awaited mega-event ng taon, ang As 1 na pagsasamahan ng dalawa sa best concert performers -- sina Martin Nievera and Gary Valenciano.

Ilang tulog na lang at ma-papanood na ng fans ang da-lawa sa kanilang mga kaka-ibang gimik para sa show bukas, Sept. 19, sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Walang guest perfor-mers sina Martin at Gary, maliban sa mga anak na sina Gab (Gary's son) at Robin, anak ni Martin kay Pops.

Sa panayam namin kay Gab, tinanong namin siya kung ano ang magiging partisipasyon nilang dalawa ni Robin sa concert.

Say ni Gab, they'll be doing some songs together and he'll be showing some dance moves .

"Black-Eyed Peas stuff , pero hindi namin puwe- deng sabihin ang details, eh. Also some numbers with the Dads din," ani Gab na nakikipagkulitan din kay Ro-bin, who was also present during the interview.

Sa kilos at pananalita pa lang ng dalawa, halatang close na sila. Tulad ng kanilang mga ama na mag-best friend.

Ayon kay Gab, matagal na rin silang magkaibigan ni Robin at sa tanongkungkailan ito nagsimula.

"Since birth," sabay na sagot ng dalawa.

Sabi pa ni Gab, hindi man daw sila madalas magkita ni Robin lalo kapag nasa Amerika ang binata ni Martin but they see to it that they communicate as often as possible.

Naitanong din namin kay Gab ang tungkol sa isyung break na sila ng ka-sintahang si Rachelle Ann Go. "No! Hindi kami nag-break!" mabilis na sagot ni Gab.

Bakit may lumalabas na split na raw kayo?

"Hindi totoo 'yan! Nagkatampuhan kami, pero hindi kami nag-break. " Dahil nabanggit na rin ni Gab na nagkatampuhan sila ng nobya, sinabi na rin ni-yang hindi niya hinayaan na ma-uwi sa hiwala-yan ang relas-yon nila. Normal lang daw sa isang relasyon na nagkakaroon ng gusot.

Ang mahalaga raw ay naaayos naman. Kasi sila ni Rachelle Ann, bago pa lumala ang sitwasyon, inaa-yos na nila kaya ay happy na ulit ang dalawa.

So, manonood si Ra-chelle Ann ng concert this coming Saturday?

"Of course, she's gonna be there," nakangiting sabi pa ni Gab.

Source: Taliba