|
|
| KC, Richard huli sa aktoAuthor: Chan-Chan Torres Ano ba itong aming nabali-taan na namataang super-sweet daw sina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa isang event kamakailan. Ayon sa aming source, nagkasama ang dalawa sa technical rehearsal ng concert ni Lea Salonga sa PICC with the Filharmonika, na ayon pa sa chika ay muk-hang mas pinili nina KC at Richard na pumunta sa araw na ito para na rin makaiwas sa maraming tao. Siyempre, maraming mag-uusyuso sa kanila kahit sabihin pang bongga ang crowd. Curious ang lahat sa pares na ito, huh. Ang ganda kasi nilang pagmasdan kahit sa mga la-rawan pa lang. Napag-alaman din na-ming idolo ni KC si Lea kung kaya't super go ang dalaga pa-ra mapanood ang magaling na singer. Para nga raw hindi maha-lata ang presence nila ni Richard doon ay bahagyang nagtago pa umano si KC nang may dumaan sa gitna ng stage para hindi sila mapansin. Ganoon? Dagdag pa ng aming source, super- sweet daw sina KC at Richard habang pinapanood nila si Lea. Panay daw ang holding hands at isinasandal pa raw ng dala-ga ang ulo niya sa balikat ng aktor. Ayyy, napi-picture-out na namin kung gaano sila kabagay together. Tinalbugan ng dalawang ito ang mga pares sa Hollywood, huh. Ano kaya ang say ni Annabelle Rama sa pagiging sweet nina KC at Richard? Well, siguradong smile lang si Tita Annabelle. Vocal naman ang madir ni Richard na like niya talaga si KC, noh. Hmm,ganito ba ang friends lang? Well, baka friends in love na. Inaabangan din ng lahat ang gagawing pelikula nina KC at Richard, na pinama-gatang When I Met You. Sa Paris, France pa raw ang location ng pelikula, eh. Another big-budgeted pro-ject and quality film, 'di ba? Hmm, by that time, hin-di kaya mag-bloom na ang love nila sa isa't isa? Kilig-kiligan ito! * * * Ilang beses na kaming si-nasabihan ni Pokwang na manood ng show niya sa Music Museum kasama ang komedyanteng si Pooh. Siyempre, ayaw naming kaligtaan ito dahil basta si Pokwang ang nag-show alam namin na sulit ang aming mapapanood. Titled Poohkwang (pinagsamang Pooh at Pokwang), mapapanood natin ang show sa Music Museum sa lahat ng Biyernes at Saba-do ng June, 8 p. m. at the Music Museum. Sa totoo lang, hindi na-min akalain na sobrang lakas ng impact ni Pokie lalo na sa mga bata at TFC subscribers. Sa Bacolod City, siya rin ang hinahanap ng mga ba-tang paslit sa amin at natutuwa raw sila sa kanyang style ng komedi. Nang aming tanu-ngin ang mga bagets kung sino ang pinakagusto nila sa hosts ni Willie Revillame sa Wowowee, si Pokwang ang sagot nila. Nagagandahan daw sila kina Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion, pero si Pokwang ang the best para sa kanila. O 'di ba? No wonder, hindi talaga puwedeng ma-wala si Pokie sa noontime show ni Papi. O, abangan natin ang Poohkwang sa Music Mu-seum ha? Tickets are available at Ticket world. * * * Si Sarah Geronimo raw ang highest-paid endorser ng Belo Essentials. How true? Ito ang line of beauty pro-ducts ng Belo na may sabon, facial wash at lotion na ang namamahala ay si Cristalle Belo-Henares. Unica-hija siya ni Dr. Vicki Belo. Ano naman kaya ang say ng kapwa endorsers ni Sarah G na sina Lucy Torres-Gomez, Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla sa chikang ito? Kung totoo man, baka may dahilan kung bakit highest-paid endorser itong si Sa-rah G. Baka super sing ang bagets, ala-Celine Dion habang nagpu-photo shoot ka-ya ganoon. Charoz lang! Napag-alaman din na-ming hindi rin daw puwedeng pagsamahin sina Regine at Sarah G sa isang TVC dahil sobrang malaki na ang budget na kailangan para rito. Oo naman. Source: Taliba |