Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

KC at Heart 'tinuhog' ni Richard

KC at Heart 'tinuhog' ni Richard

Author: Pilipino Star Ngayon
Column: About Showbiz

Wala si Richard Gutierrez dito sa premiere ng Codename: Asero sa July 14, dahil sa nasabing petsa rin ang alis nila ni KC Concepcion para sa two-week shooting ng For The First Time, ang movie nila sa Star Cinema. Siguradong maya't maya'y tumatawag ito para kumustahin ang takbo ng bago niyang series sa GMA 7.

 Habang hindi pa nakakaalis, magpo-promote ng husto ang actor para panoorin ang Codename: Asero na kung saan, magpapakita siya ng maraming bago, gaya ng tapwondo o mas kilala bilang combat aikido. Nag-training siya sa patnubay ng grupo ni Master Monching Gavileño para mas makatulong sa role na gina­gam­panan niyang si Grecko Abesamis.

Bukod sa tapwondo, marunong din sa kickboxing, muay Thai at arnis si Richard, idagdag pa ang pagiging karate brown belter. Regular din ang training ng actor ng boxing, weights at iba pang-pampaganda at pang-kondisyon ng katawan na kailangan para sa series. Marami pa tayong malalamang paghahanda niya sa presscon ng series sa July 7.

Samantala, abangan sa Saturday ang unveiling ng billboard ng Codename: Asero na iko-cover ng live ng Startalk. Mapapanood din sina Richard at Heart Evangelista at ibang kasama sa grand launching ng action-packed series sa SOP, Showbiz Central, at All-Star K sa July 13, at susunod agad ang primer ng show.

Ang suwerte ni Richard, 'no? May Heart na, may KC pa!

* * *

Isa kami sa kinukulit tanungin ng mga fans ni Jake Cuenca kung totoong magpapakita ito ng puwet sa Bench Denim & Underwear Fashion Show na gaganapin sa Araneta Coliseum sa July 25. Nabalitaan daw nilang ang young actor ang susunod kay Wendell Ramos na rumampang kita ang behind na ikinagulat at ikinatuwa ng mga nanood.

Gustong masiguro ng mga fans ni Jake kung totoo ang tsika para sila'y makapanood at para masilip ang puwet ng young actor. Hindi nga naman makakapagpakita ng kanyang butt ang actor sa TV at movies, kaya sisiguraduhin ng kanyang followers na hindi ma-miss ang special event para sa kanila.

Ang Bench fashion show ang isa sa mga event na napagsasama-sama ang Kapamilya at Kapuso talents na endorsers nito, kaya laging in demand ang tiket at puno ang Big Dome.

Inaalam din pala ng mga fans kung manonood si Bea Alonzo na nali-link kay Jake ngayon at si Roxanne Guinoo na ex ng actor.

* * *

Wala pa palang schedule ng US premiere ng The Echo at ang alam ni Iza Calzado, after Cannes Film Festival, sa Fantasia Film Festival ipalalabas ang Hollywood remake ng Regal Entertainment movie. This Thursday, July 3, ang simula ng film festival at tatagal hanggang July 21, sa Concorde University Hall at J. A. de Se've theaters.

 Nanghinayang si Iza dahil hindi siya makakadalo sa Fantasia Film Festival, dahil hanggang July 8, pa ang taping nila ng Joaquin Bordado. Kailangang narito siya sa farewell appearance ng buong cast sa SOP sa Sunday at sa motorcade na magtatapos sa SM Valenzuela. Hindi rin siya puwedeng mawala sa live ending ng action-series sa July 11, after 24 Oras.  

Excited si Iza sa mga natitirang araw ng Joaquin Bordado, dahil may action scenes siya at may stunts pa. Nag-training siya ng arnis at muay Thai, bilang paghahanda. So, hindi lang drama at pag-iyak ang ipapakita niya sa show. Hindi raw siya nadi-drain sa mga iyakan scenes niya dahil magaang katrabaho si Robin.

 Aminado si Iza na isa sa mga mami-miss niya sa pagtatapos ng series ay ang passion ni Robin na mas mapaganda ito. Bumilib siya sa actor na sa halip na matulog after two days na taping, dumederetso pa sa GMA Network para mag-edit.

 "Gusto kong magaya sa kanya na sobrang mahal ang trabaho. Very hands-on siya at metikuloso at nakikita naman ito sa produkto. May anting-anting yata siya," patungkol ni Iza kay Robin.

Source: The Philippine Star