|
|
| KC at Piolo, nami-miss ang kanin sa ParisAuthor: Nel Alejandrino HERE'S a Paris update from KC Concepcion regarding her taping for Lovers in Paris with Piolo Pascual and Zanjoe Marudo. KC 'texted' this to talent manager Shirley Kuan who, in turn, forwarded it to us: "Bonjour po! Lunch break na po namin. Nauna pong mag-shoot sina PJ at ZI (tawagan namin ni Piolo at Zanjoe), pero, sabay ang morning call time naming lahat. "Seven hours ahead ang oras ng Pilipinas sa Paris at may iba na kaming nahu-homesick na kasamahan yata. Kasi, puro kanin na ang hanap ng cast at crew namin dito. Kaya, favorite naming kainin dito ay Chinese food! Hehehe. Mura rin lang at masaya lahat. Balik-shooting na po kami after rito. Bon appetite. " For your information nga pala, not one sa kanila ay nagdala, wika nga, ng assistant. Kaya nga, while preparing for her Paris trip, medyo worried si KC kung paano at kanino niya iiwanan ang kanyang mga gamit once nasa harap siya ng kamera. Unlike Piolo at Zanjoe, marami nga naman siyang 'abubot' na dala. Having lived and studied in Paris for nearly five years, alam ni KC na 'di safe sa mga magnanakaw ang tinatawag na dream destination ng bawat turista. Remember na she once complained na nanakawan siya ng bisikleta, na siya pa namang gamit niya sa pagpasok sa iskul. But, obviously, na-resolve ito ni KC. 'Di niya na-mention sa kanyang text kay Shirley ang tungkol dito. Three weeks magtatagal ang grupo sa Paris. * * * Personal to Mariel Rodriguez: O, ayan, Mariel, behaved si Zanjoe in Paris. Based on KC's text, all work silang lahat, including Zanjoe, ha, and evidently no play. If we know Direk Eric Reyes, if it's work, work talaga sa kanya. Itanong mo pa, Mariel, kay Rita Avila, Direk Eric's better-half at isa sa pinakamahusay na aktres natin. Kaya, 'wag ka nang mag-emote, puwede? * * * Text din, Ian F. , from Vir G. , reporting na hit sina Jao Mapa, Aiza Marquez at Paw Diaz sa paradang sinalihan nila sa Nueva Ecija. All three need a tv or movie assignment. Any taker? * * * ManiwaLa ka o hindi, Ian F. , kahit pala parehong Kapamilya sina Maricel Soriano at Pinky Webb, 'di pa nag-cross ang kanilang landas maging sa istudyo ng ABS-CBN. Obviously, dahil entertainment ang shows ni Maricel at public affairs naman ang kay Pinky. Sa presscon ng horror-suspense flick na T2 (for Tenement 2), nabanggit ni Maricel na alam niya ang balak ng dating asawang si Edu Manzano na pakasalan si Pinky. Edu himself told her about it. Eh, ano ang kanyang masasabi? tanong ng movie press. "Eh, ano pa?" ang maliksing sagot ni Maricel. "Game!" Kung sabagay, more or less, 18 years na rin silang hiwalay ni Edu. But legally, 'di pa sila hiwalay, dahil 'di pa annulled ang kanilang kasal. Kaya, officially, si Maricel pa rin ang legal na Mrs. Manzano. Paano 'yan? "I told Edu, he can file annulment procedure anytime. Pipirmahan ko ito. I'm happy now. And I want him to be happy, too," susog pa ni Maricel. On why she chose to do a horror-suspense flick after the romantic movie, A Love Story, sey ni Marya: "For a change. Besides, this is not the first time I'm doing a movie of this genre with Direk Chito. Siya rin ang nagdirek sa akin sa Dahas. " Source: People's Tonight |