|
|
| KC at Richard, sinasagasaan ni Piolo!![]() Author: Alfie Lorenzo HINDI siguro aware ang Papa Piolo ko na nakakasagasa na siya sa mismong idol niyang si Richard Gutierrez! Hindi namin sinasabing crush ng Papa ko ang aking apo, noh! Kundi “after you Richard” lang siya, dahil sinusundan niya ang mga yapak at napagdaaanan ni Richard Gutierrez. Look. Join ang Papa ko sa mga commercials ni Richard, pumasok din siya sa Bench, 'yung leading lady ni Richard na si Angel Locsin ipinareha sa TV at movie, at ngayon naman ay ang isa ko pang apo na si KC Concepcion ang tina-target ng Papa ko na “liligawan” daw! Liligawan tiyak ko, para next na maka-partner niya kasi naka-partner na ni Richard, eh. Bawal ang ligawan sa grupo ng mga “pop-eye”, debah? My Papa should have taken into consideration na magsu-showing pa lang ang movie nina KC at Richard na “When I Met U” at ang pinag-uusapan ay ang closeness nina KC at Richard, even just for the sake of the movie. Bakit siya sisingit? Masyado naman siyang excited, eh next in line pa siya sa short line? Eh, 'di hintayin niyang mai-showing muna ang “When I Met U” saka siya pumapel kay KC. Sabi siguro ng man of few words na si Richard, “Pare, hindi ko akalain na ganyan ka pala When I Met U!”. Oh, loko! Hayaan muna sana ng Papa ko na ma-enjoy muna ni KC ang short-lived popularity niya bago niya ito isadlak into oblivion tulad ng mga nagdaang leading ladies niya. Huwag muna sanang ikumpas ni Papa Piolo ang kanyang black wand para naman maging pantay ang gross ng GMA/Regal Films sa naging gross ng Star Cinema movie nina KC at Richard. Tanggalin sana ng Papa ko ang inggit sa katawan niya, pastor pa naman siya! I am sure, hindi ginamit na kasangkapan ang Papa ko ng Star Cinema para hindi maungusan ng GMA/Regal Films movie ang kinita ng Star Cinema KC-Richard movie, noh! The KC-Richard “When I Met U” movie will have its premiere night sa Tuesday, Feb.10 and will open in more than a hundred theatres on Feb. 11 as the Valentine presentation of showbiz valentine king Richard Gutierrez! Go kayo para matuwa si Bisaya, ha! Imbitahin kaya ang Papa ko sa premiere night? Sige, sakay na! Ang 8-year old kong apo na si John-John ay kilalang-kilala si Marian Rivera. Never kasing nangyari 'yung paninira kay Marian na suplada siya maging sa mga bata. Kasi nu'ng first time na ginusto ni John-John na pa-picture sila ni “Dyesebel” na pinapanood gabi-gabi ng apo ko, gladly namang nagpaubaya si Marian kaya labs na siya ng apo ko mula noon. Kaya mas super-excited si John-John nung dalawin kami ni Marian escorted by Dingdong Dantes at aligaga pa siyang kumuha ng camera para kunan uli sila ng shots ni Marian. At hindi lang one shot 'yun ha, kundi ang sey niya sa mommy Ninia niya: “Isa pa! Isa pa!”, “Ma, isa pa!” Natawa na nga lang si Marian kay John-John. Eh, ang apo ko mahilig 'yan sa big boobs, tulad nina Rufa Mae Quinto at Katrina Halili. Wala siyang reklamo sa dibdib ni Marian although panay ang titig niya kung ikinukumpara kaya niya 'yun sa dibdib nina Rufa Mae at Katrina. Well, kahit na by the time nasa ere na ang “Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang” ay time to sleep na si John-John at kunwari ay tulog na nga siya, nagnanakaw siya ng ilang sandali to peek on “ABHSAT” kasi nasa itaas siya ng double deck bed at may sariling TV sa tabi ng higaan niya. Magpapatay lang ng TV set 'yan pag sinabi ng mommy niya na, “John-John sleep ka na, may school ka pa bukas!”, at saka lang hihinaan ng apo ko ang TV set minus sound, pero nood pa rin siya! Ha! Ha! Ha! Ha! Proud na proud na in-email sa amin ng gay queen of London na si Phillip de Vera ang mga photos na kuha sa parlor niya sa Earl's Court, London nu'ng bisitahin siya ng magkapatid na James and Phillip Younghusband. Tagaroon din kasi ang magkapatid na kay-babata pa, eh mga husbands na! ha! Ha! Ha! Umuwi ng London ang magkapatid for Christmas to be with their parents and since nu'ng nasa Pilipinas ang kaibigan naming reyna ng London ay nagkakilala sila ng katukayo niya, nagbigayan sila ng celfone numbers at address ng parlor ng kaibigan namin kaya nabisita siya ng magkapatid. And take note, mas naguwapuhan ang Felipa sa elder brother ni Phillip na si James, ha! Ngayon nga ay kinakatok kami ng kaibigan namin na tulungan daw mag-showbiz ang magkapatid at babalik sa Pilipinas si Phillip de Vera sa April to help sa launching ng magkapatid na ayaw sa London at mas enjoy mamuhay dito sa Pilipinas. Sige. Guwapo naman ang magkapatid at wala kang itulak-kabigin sa dalawa. Puwede kayang package deal na lang ang dalawa? Tutal puwede ko namang yakapin ng sabay sila, eh! Ha! Ha! Ha! Ha! Sure ako na pag napablis na ang mga litratong nandito sa mga pahina natin, ito ang magiging topic sa beauty salon ni Phillip de Vera hindi lang buong isang Linggo, noh! Ha! Ha! Ha! Ha! Kumusta na kayong lahat diyan mga kapatid, especially si Carla da beauty! Source: Abante |