|
|
| KC, bawal mangampanyaAuthor: Vinia Vivar MUKHANG mahihirapan ang aktor na magpalit ng manager dahil hindi pa pala pumapayag ang current manager niya na pakawalan siya. May existing contract pa ang aktor at ang unang manager, pero dahil nga sa nagkaroon sila ng gulo, hindi na sila nagkakatrabaho. Ayon sa source, hinding-hindi papayag ang manager na pakawalan ang aktor at kung gusto nitong magpalit ng manager, kailangang matapos muna ang kontrata nila o bilhin ito sa milyones na halaga. 'Yun na! * * * BILANG ambassador ng United Nations' World Food Program (WFP), hindi allowed si KC Concepcion na magkaroon ng political affiliation, mangampanya o pumasok sa politics. Kasama raw ito sa pinirmahan niyang kontrata at kailangang maging neutral siya habang under contract. Kapag nagkataon, hindi makakatulong si KC sa kampanya ng stepfather na si Sen. Kiko Pangilinan, na balitang tatakbong vice president sa darating na eleksyon. Pero ayon kay KC, wala pang kasiguraduhan ang lahat pagdating sa political plans ng stepfather. "Wala pa po talaga, anything can happen pa. Let's just wait na lang po for their official statement," sabi ni KC. Gayunpaman, nagparehistro na siya sa Pilipinas recently para makaboto siya. * * * MAGKAKAROON na rin pala ang MTRCB (Movie Television Review and Classification Board) ng first TV awards. Ito ay pet project ng chairperson na si Ma. Consoliza Laguardia at layunin nitong mabigyan ng rekognisyon ang magagandang programa sa telebisyon, partikular na ang mga tumutugon sa tamang moralidad base na rin sa kultura ng mga Pilipino. Gaganapin ito sa September 4, 7 p. m. , sa Gateway Cinema. Mayroon itong 25 finalists sa iba't ibang kategorya, tulad ng News, Public Affairs, Children's Show, Educational Show, Reality Show, Comedy Show, Talent Show, Drama Special at Teleserye. Sa Drama Show, mahigpit na magkalaban ang Obra ng GMA-7 at Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN at sa Teleserye category naman, finalists ang Kahit Isang Saglit ng Kapamilya at Dyesebel ng Kapuso. Kapansin-pansin lang na walang parangal para sa Best Actor, Best Actress o sa iba pang artists at talagang programa lang mismo ang bibigyan ng award. Source: People's Tonight |