|
|
| KC, gustong sarilinin ni Piolo! Piolo, mas paborito ng ABS kesa kay Juday?![]() Author: Abante Ramdam na ramdam ang magandang suporta ng ABS-CBN at Star Cinema kay Piolo Pascual bilang prodyuser. Katunayan, ikinuwento ni Piolo na si Ms. Malou Santos ng Star Cinema ang tumulong sa kanila para maghanap ng ibang distributor para maipalabas ang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme, na bida si Eugene Domingo, sa mga sinehan ng SM. Bakit nga ba ganu'n na lang katindi ang suporta kay Piolo ng Star at ABS? “Of course, kaibigan natin ang ABS. Humingi po talaga ako ng tulong sa kanila. So, 'yung nakikita ninyong mga tulong ay pagpapahalaga na lang po talaga sa akin bilang isang Kapamilya rin and 'yung promo namin sa The Buzz last Sunday, mostly, pakiusap na lang po talaga itong lahat. Kaya malaking pasasalamat po talaga na hindi kami pinababayaan,” sabi ni Piolo. Lumalabas na mas paborito talaga si Piolo ng ABS-CBN at Star Cinema, kesa kay Judy Ann Santos? Nu'ng nagprodyus nga raw ng Ploning si Juday ay nagkaroon pa ng isyu pagdating sa suporta mula sa Star Cinema. Samantalang ngayon daw ay kitang-kita na all-out talaga ang suporta kay Piolo ng Star. “Naku, mahirap pong sumagot sa tanong na 'yan. Naku, ayoko pong makisawsaw sa problema ng iba. Ako po, mas focus po ako dito sa Kimmy Dora. Sa pakikipag-usap ko naman po, wala naman akong naging issue with them. From the very beginning, they've been so helpful sa lahat po ng paglapit at paghingi namin ng tulong.” So, malakas talaga siya sa Star? “Mahal ako ng ABS! Kausap ko si Tita Cory Vidanes, pero, sinabi niya, pasalamat ka, mahal ka namin. Ayoko namang gamitin ang pangalan ko or anything, pero ako, nanggaling ako sa ABS from the very beginning. Dito na ako nagkaisip, dito na ako lumaki at dito ko gustong mag-grow. 'Yung pagiging producer ko naman po, hindi po isang gabi lang nangyari. Matagal ko ring pinag-isipan ito, nagkataon lang na nagkaroon ng opportunity. “Pero, never ko pong ni-neglect ang pagiging artista ko, pagiging singer ko. So, 'yun naman ang kinatutuwa ko kasi, nakaka-encourage po ang support na ibinibigay ng ABS sa akin.” Si Direk Joyce Bernal na producer at director ng movie at siyempre si Eugene na siyang bida rito ay halos araw-araw raw ang ginagawang pagpo-promote maging sa iba't ibang eskuwelahan. Tanong tuloy kay Piolo, satisfied daw ba siya sa promotion na ginagawa ni Dingdong Dantes, na leading man ni Eugene sa Kimmy Dora? Ilang segundo rin bago nakasagot si Piolo. “Paano ko ba sasagutin 'yan? Ahh...si Dong naman, from the very beginning, nandoon na ang support niya sa pelikula. Siguro, just like me, tali rin siya. Dapat kasama ako sa pelikula, kami dapat ni Dong 'yun. But since may conflict, hindi ako nakalabas. I understand Dong kasi, nag-uusap sila ni Joyce. At sinasabi nga ni Joyce na gustung-gustong mag-promote ni Dong, may conflict lang talaga sa GMA and Kimmy Dora is to identified with ABS and Star Cinema. So, tali rin siya.” Anyway, hindi rin nakaligtas si Piolo sa tanong ng mga manunulat tungkol sa panliligaw daw niya kay KC Concepcion. Pero, sabi ni Piolo, this time kung anuman ang ginagawa niyang move o panliligaw kay KC, isang bagay raw ito na gusto niya munang sarilinin, dahil marami rin daw siyang naririnig na kung anu-anong isyung ikinakabit sa kung ano siya or intensyon niya sa leading lady niya sa Lovers in Paris. “Whatever it is, it is better to talk na lang siguro after the show. Sasabihin lang din ng tao, it's for the promotion of the show. So, parang to be safe and fair na rin for both of us na lang. Mas maganda na Kimmy Dora muna ang pag-usapan natin,” pag-iwas ni Piolo na lumawak pa ang tanong sa panliligaw niya kay KC. Source: Abante |