|
|
| KC, hindi crush si Piolo! Promo slant kay Piolo, baguhin!Author: Alfie Lorenzo Unti-unti na ngang sinisira, sa halip na matulungang lalong pumaimbulog ang kasikatan niya ng mga nag-takeover sa career ng Papa Piolo ko, ang unang naiambag naming stand-off point to propel him to stardom. Hindi hawak ng mga takeover generals ang mapa na dapat tahakin at lakbayin ng Papa ko para marating ang moon and the stars. Basta na lang nila hinawakan ang manibela and drove to a crush point! Nagsimula ang kasikatan ng Papa Piolo ko nu'ng matambal kay Juday. Hindi sila nagkatuluyan kahit “wait to death” na nga si Juday for his matamis na “oo”. Nagkahiwalay ng landas ang dalawa dahil pinaghiwalay ng mga know-it-all-but-knows-nothing! Itinambal sa iba't ibang leading ladies si Piolo na hindi nagtagumpay tulad ng tambalan nila ni Juday. You know why? Kasi si Juday lang ang nakakaalam ng sikreto ni Piolo, (Hoy! Hindi 'yung sikreto kunwari alam niyo na, huh!) kung saan ang kiliti ng mga fans, kung saan ang ilusyon nila! Ipinareha si Piolo sa iba't ibang babae. At bawat babae ay binibigyan nila ng ilusyon ang publiko na heto na naman ang isa pang sosyotain ng Papa ko. Na sa halip na maniwala sa gustong ipailusyon sa publiko, ang nangyari ay na-build-up ang hatred for Piolo dahil mukhang insulto kay Juday ang tuwina ay may bagong karelasyon ang Papa ko na mas maganda at higit na sexy kesa kay Juday, na “promdi-looking” lang nu'ng kapareha niya. Hindi alam ng mga walang alam na sa hitsura ni Juday noon na mas maganda kesa sa kanya ang Papa ko ay siyang magneto sa publiko kung bakit nag-klik nang husto ang tambalang “Guy & Pip” dahil sa tisoy-looking na si Tirso na itinambal sa mukhang gusgusing maitim na tindera ng tubig sa tren na si Nora. Wala naman 'yan sa ganda. Nasa panlasa ng publiko na siyang lumilikha ng mga superstars from plain-looking Natalie Cole, Oprah Winfrey, Whoopy Goldberg, etc. Ang dapat ginawa ng mga nagmamarunong na wala namang alam eh binigyan si Piolo Pascual ng image na “iniwan” ng kalabtim - sa halip na siya ang lumayas sa kalabtim, kasi inisip niya kaya na niyang mag-isa at 'di na kailangan ang unang babae na tumambal sa kanya at nagpasikat sa kanya sa limang pelikula! Kaya ang naging image ni Piolo ay tulad sa isang lalaking iniwan ang misis at ipinagpalit sa iba. Hindi ba galit ang bansang Pilipinas sa mga lalaking nang-aapi ng babae, debah Ate Glo? Ayaw pang tigilan ng mga wala namang alam at mga walang isip na the more na pilit na inili-link si Piolo sa iba't ibang babae ay mas lalong tumitindi naman ang pagli-link sa Papa ko sa iba't ibang lalaki! Mas nakakasira sa image ni Piolo ang gawin siyang babaero sa halip na matulungan siya. Oo nga at tinutulungan siya pero sa paghuhukay ng sarili niyang libingan, noh! Ayaw nilang tumigil! From Juday, hayun na at ini-link na si Piolo kina Angelica Panganiban, Claudine Barretto, Rica Peralejo, Joyce Jimenez, Donita Rose, Angel Locsin, at ngayon naman kay KC Concepcion! Basta itinambal kay Piolo, uhum, all the adjectives na ang pinakakawalan niya sa pag-aakalang matutulungan siya ng sarili niyang bibig at dila na sa iba naman daw pala ginagamit! Ni walang nagtagumpay sa mga gimiks na 'yan as far as box-office returns is concerned. Mabuti na lang at hindi pa nakikialam ang Papa Gabby ko or else sisante lahat ng mga nagpalubog na 'yan kay Piolo Pascual. Kahit na anong kalandian pa ang ginawa nina Piolo at Angel sa “Lobo” at pelikula nilang better-forgotten na title pa lang iiwasan mo na - “Love Me Again” - eh kailan naman kaya sila na-inlove for the first time? Hayan at walang nangyari kaya ipinasa naman si Piolo kay KC Concepcion at forgotten na nang tuluyan si Angel Locsin! Na nawalan na rin ng career! And now, “Lovers in Paris” sina Piolo at KC? At kelan naman sila naging “lovers”, aber? Mas matindi ba ang paniniwala ng publiko na magkakainlaban sina Piolo at KC kesa paniniwala ng publiko na sina KC at Richard Gutierrez na? Naku, mabuti na lang at nagmana sa nanay niyang si Sharon Cuneta itong si KC na ma-PR at hindi bukikera. Justifiable naman 'yung pagpunta-punta kuno ni KC sa condo ni Piolo para sa religious meetings nila and no hanky-panky. Lumaki sa Paris si KC knowing the whys and wherefores of sex life kaya hindi pinag-iisipan ang apo ko na nakikipaglandian na kay Piolo. Ipinasa nga ni KC ang “crush” kay Piolo sa nanay niya. Ang mommy Sharon daw ang may crush kay Piolo - hindi siya! Career nga raw niya ang pinagtutuunan ng pansin ni KC at hindi lovelife. Masakit sa ulo ng mga Piolo rah-rah gays itong iniatang kong assignment sa kanila - ibenta ang merits ng pelikula at hindi ang ilusyong pagebenta ng karne, huh! Huwag itulad si KC sa mga ipinareha niyo after Juday na nagkaroon ng ibang boyprens or may boyfriends naman talaga pero kinakasangkapan para sa ginagawang ilusyon for Piolo. Hayan tuloy si Piolo at naniwala na sa ilusyong ibinigay ninyo sa kanya na siya ay isang palikero. Saan? Sa mga babae? O sa iniisip niyo na alam na ng mga taga-UST Thomasino Guild, ng mga taga-San Francisco at Los Angeles na saksi sa mga ginagawa noon ni Piolo sa Amerika habang naghihintay ng greencard niya? Kung anuman 'yun, bahala na kayong mag-isip. Better still, interbyuhin niyo na lang kaya sina Noel Nuguit at Alfred Yumul, debah? “Lovers in Paris”? Si KC Concepcion daw ang mag-tour kay Piolo sa Paris sa mga hindi pa nito napuntahan. I am sure hindi sa mga bars 'yan, ha? At nandoon pa si Zanjoe Marudo. Makasama kaya ni Piolo si Zanjoe sa tour? Huwag lang pag na-zero si Piolo ha. Ayaw ni society columnist ng ganyan! O kasama siya sa trip? Join na!!!! Source: Abante |