Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

KC, hindi nagpapatalbog kay Sharon!

KC, hindi nagpapatalbog kay Sharon!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

Shop to death ng mga Chinese costumes si Sharon Cuneta na gagamitin sa Mano Po 6 sa Hong Kong, kasama ang mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan, na dumalo naman sa Rock The Vote campaign doon.

“Kailangang saba­yan ko nga 'yung 70 plus na isusuot ko para bago matapos ang shooting, naka-tube na ako! Kaya kailangang bago matapos ang movie, payat na ako!

“Pangako ko 'yan kina Mother Lily at Roselle! Ha! Ha! Ha!

“Kaya lang, hindi ko pa carry ang Chinese na damit. Pajama at robes 'yung iba kong binili!” sey ni Sharon.

Kung busy si Sharon hanggang sa susunod na taon sa marami at mala­laking surprises gaya ng paggawa ng movie kasama si Governor Vilma Santos, hindi patatalbog ang anak niyang si KC Concepcion, huh!

“I worry about her nga. Today she is in Mindanao! She does her part sa nasalanta ng bagyo.

“Eh, ginagawa niya 'yon sa rest day niya, eh wala na siya halos tulog! May duties pa siya sa World Food Program.

“She does this because of her age. Eh, minsan bumabagsak na siya, but it's really her will to serve. Eh, we were taught by example ng parents ko kaya hindi na bago sa amin ang ginagawa niya,” say ng ina tungkol sa ginagawa ng anak.

Source: Abante