|
|
| KC, nanganganib ang career! Pastor kasi, kaya nagkakasal!![]() Author: Alfie Lorenzo ITO kayang “Lovers in Paris” ay magklik naman kaya sa TV? Sobrang gastos pa ang location shoot niyan ha, France pa! Sa halip na sumikat, nanganganib ang showbiz career ni KC Concepcion ngayon. Itinambal pa siya kay Piolo Pascual eh 'di lalo na! Baka mapabilis pa ang pag-aasawa niyan! Unang-una na nga, I stand by my belief na 'pag anak ng sikat, hindi gaanong sisikat tulad ng magulang, aktres man o aktor. At lalo na 'pag active pa ang mga magulang, lalong hindi makakaagaw ng kasikatan ang anak sa mga magulang niya! As we all know, Sharon and Gabby are still very active in showbiz now. Kaya matapos ang KC-Richard Gutierrez 2 movies, parang wala lang -- biglang nawala ang presence ni KC Concepcion sa showbiz. Heto at mistulang nire-revive lang ang career niya tulad ng career ni Piolo na summer naman kung bakit nanlalamig ang career. Debah, 'pag winter lang malamig o tag-ulan kaya? Bawat makapareha ni Piolo Pascual, tsinitsismis na nililigawan niya o kaya eh patay na patay sa kaguwapuhan niya ang leading lady niya. Pero pagtatakhan niyo naman marahil (ako hindi nagtataka noh!) kung bakit ni isa man lang sa mga kunwari eh, ibinubugaw ('yun na ang itawag natin kasi sapilitan ang pag-amin kunu-kuno na magsyota habang may movie o TV na ginagawa!) na mainlab sa papa ko, walang isa man na naging kapani-paniwala sa praise releases. Bagkus eh tila diring-diri pa ang mga naging leading ladies ni Piolo into marrying the right man para lang malayo sa papa ko at baka mapatulan nila ng 'di oras ang super-guwapong leading man! Shall I repeat na mula pa kay Janna Victoria (na kapareha ng papa ko sa “Lagarista”) eh first and last movie ni Janna 'yun at nag-asawa na! Si Donita Rose na partner ng papa ko sa “Nine Mornings” ay ikinasal naman sa iba ng gabi? Si Claudine na nakapareha din niya ay dali-daling nagpakasal kay Raymart Santiago. Eh, papaano si Bea Alonzo, tumandang dalaga kaya? Papano na si Angel Locsin na nahihirapan yata sa biyenan niyang hilaw -- kanino kaya magpapakasal? (ITUTULOY) Source: Abante |