Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

KC, pasado sa 'Lovers In Paris'

Author: People's Tonight

MAGANDA ang review sa acting ni KC Concepcion bilang Vivian sa TV remake ng Koreanovelang Lovers in Paris na napapanood sa ABS-CBN after May Bukas Pa.

Pasado ang acting ni KC at bagay sa kanya ang role contrary sa mga unang nagpe-predict na baka hindi ma-carry ng anak ni Sharon Cuneta ang pagiging Vivian.

"She's good ha. Actually, effortless ang acting niya at nakakabilib. Unti-unti nang lumalabas na talagang nagmana siya sa mga parents niya (Gabby Concepcion and Sharon)," koment ng isang televiewer-critic.

Isa pa raw sa inaabangan nila sa Lovers in Paris ay ang pagpasok ni Maricar Reyes. Very sophisticated daw ito at ang ganda-ganda sa screen.

'Nga pala, due to insistent public demand, nagkaroon ng Lovers in Paris marathon kahapon after Entertainment Live.

* * *

TODAY ang pangalawang Linggo ng Your Song Presents. .. Someone to Love na pinagbibidahan nina Sam Milby and Bea Alonzo at napapanood after ASAP '09.

Cute ang role ni Bea sa serye dahil isa siyang domineering boss. Si Sam nama'y trying hard action star. Pero nagtagpo ang kanilang landas nang magtra-baho si Sam sa kumpanya ni Bea. (Leo Bukas)

Source: People's Tonight