Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

KC payag sa role na Tita Cory kapag si Piolo ang Ninoy

Author: Beth Gelena
Column: E-talk

BAWAL pala kay KC Concepcion ang usapin tungkol sa pulitika dahil nasa public service siya ng United Nation's World Food Program (WFP) bilang National Ambassador against Hunger.

Very open si KC sa pagsasabing willing siyang gumanap bilang Cory Aquino sa bio-film na gagawin ng Star Cinema kung saan ang gaganap na young Ninoy Aquino ay ang rumored-boyfriend niyang si Piolo Pascual. Hindi naman itinatanggi ni KC na special friend niya ang aktor.

Sa katunayan, nalaman din namin na ipagpo-produce pala siya ng movie ni Papa Piolo sa ilalim ng Spring Films at makakatambal niya si Sam Milby.

* * *

HALOS isang buwan na ring hindi napapanood sa Wowo-wee ang host na si Willie Re-villame.

Pero hindi naman siya na-wawala sa sirkulasyon. Katunayan, katatapos lang mag-show sa ibang bansa ng grupo ni Willie. Mukhang naka-recover na si Willie sa unos na muling dumating sa kanya.

Pagkatapos mag-show ng Wowowillie sa Davao at Ca-gayan de Oro, nilusob naman niya ang America. Nag-show ang Wowowee last Sept. 6 sa Lake Tahoe, Nevada kasama ang dalawa niyang lady co-hosts na sina Mariel Rodri-guez, Pokwang at ASF Dan-cers. Sina Anne Curtis at Charice ang kanilang guests. Sept. 13 ay nasa Takoma Dome, Washington sila.

After the U. S. tour, muling mapapanood si Willie this September sa Wowowee, ayon sa napagkasunduan ng ABS-CBN at MTRCB.

Ang isa sa mga nakapagpaligaya kay Willie ay ang award na ibinigay sa kanya ng mga kababayan bilang Ulirang Nueva Ecijano mula sa lokal na pa-mahalaan ng Nueva Ecija.

* * *

KAHIT alam ni Rhian Ramos na girlfriend ng kanyang leading man sa Stairway to Heaven na si Dingdong Dantes si Marian Ri-vera ay aminado ang aktres na attracted siya sa binata.

Ang una raw niyang nagustuhan kay Dingdong ay ang height nito na isa sa qualifications niya sa magiging boyfriend. Kaya ba may naglabasang isyu na nang mag-guest si Rhian sa sitcom nina Marian na Show Me Da Manny ay nag-isnaban ang dalawa?

Source: Taliba