Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

KC pinag-iisipan kung sasagutin na ang panliligaw ni Piolo Pascual

KC pinag-iisipan kung sasagutin na ang panliligaw ni Piolo Pascual

Author: Beth Gelena
Column: E-talk

HINDI pala puwedeng ikampanya ni KC Concepcion ang stepdad niyang si Sen. Kiko Pangilinan dahil bawal para sa kanya.

Sapantaha namin, may kinalaman ito sa pagiging National Ambassador Against Hunger na iniatang sa kanya last year ng United Nations World Food Program.

Tungkol sa panliligaw di-umano ni Piolo Pascual sa unica hija nina Sharon Cu-neta at Gabby Concepcion, ayon sa dalaga, hindi raw niya alam na nililigawan na pala siya ni Papa P.

Noon pa man daw na gu-magawa sila ng pelikula ni Richard (Gutierrez) na For the First Time ay bumibi-sita na sa shooting ang actor at may dala-dalang cake. Hindi naman 'yon binibigyan ng kahulugan ni KC da-hil si Joyce Bernal ang di-rektor ng pelikula na close friend ni Piolo. Ngayon lang daw niya nalamang nililigawan pala siya ng aktor dahil hindi ito itinatanggi ni Piolo sa mga interview sa kanya. Hindi pa alam ni KC kung sasagutin na si PJ dahil gusto muna niyang makita kung seryoso nga ito.

* * *

SA presscon ng The Wedding, hindi naiwasang ita-nong kay Anne Curtis kung totoo bang siya ang dahilan ng break-up nina Luis Manzano at Angel Locsin.

Natawa lang si Anne sabay sabing: "Naku, hindi. Huwag n'yo akong idamay diyan at wala akong alam. "

Dati na rin kasing na-link si Anne kay Luis, pero ami-nado naman silang walang love na namagitan sa kanila maliban sa pagiging best of friends.

Ayon pa kay Candice (character ni Anne sa The Wedding), ayaw niyang makigulo sa problemang ki-nasasangkutan ngayon ng kaibigang si Luis.

Samantala, masaya ang young actress dahil mataas ang ratings ng The Wedding mula nang ipalabas ito. Maging ang dalawang leading men ni Candice na sina Marlon (Zanjoe Marudo) at Warren (Derek Ramsay) ay natutuwa dahil marami ang sumusubaybay sa kani-la. Pero nalulungkot sila da-hil malapit nang mag-ending ang programa. "Masayang-masaya ka-mi that we have offered something refreshing to viewers," sambit ni Anne. "We are a family in The Wedding. Siguradong ma-mi-miss namin ang isa't isa after this teleserye. "

Ayaw sabihin ni Anne kung kanino siya mapupunta. Basta abangan na lang daw ang nalalapit na pagta-tapos ng The Wedding. Hindi nakalimutang ipag-malaki ni Anne ang bagong product na kanyang ini-endorso, ang FernSlim.

Kahit kasi puyat ang young actress or nai-stress sa trabaho masigla pa rin siya sa pakikiharap sa mga tao, at nami-maintain niya ang kanyang beauty at fi-gure.

Hindi rin makikita sa mukha ng dalaga na haggard siya. May nagsasabi ring payat na siya, bakit kaila-ngan pa niyang uminom ng slimming product.

"Sa trabaho kasi namin, lagi kaming puyat at pagod. 'Pag kulang sa tulog, may natural tendency ang ka-tawan natin to eat more to compensate for the lack of sleep. Taking a shot of FernSlim has really helped me eat less," pagmamalaki ng Australian-Pinay actress.

* * *

WALA pang napapabalitang may girlfriend na ang young actor na si Jason Abalos kaya masuwerte raw kung sino man ang makakarelasyon ni-to.

May mga nagsasabing ba-ka si Maja Salvador, na kapareha ni Jason sa bagong te-leseryeng ginagawa ng ABS-CBN, ang napupusuan ng binata.

Sabi ni Jason: "Masaya ako nang nasabi sa akin ang project, kasi si Maja ang makakapareha ko. "

Posible bang ligawan niya ang young actress?

"Tingnan natin," ani Ja-son.

Alam ni Jason na nanliligaw ang kanyang kaibigang si Carlo (Aquino) kay Maja. Pero, nang malaman ni Ja-son na pinatigil na ni Maja sa panliligaw si Carlo, biglang lumiwanag ang mukha niya sabay sabing: "Di natin alam kung ano ang mangyayari sa amin ni Maja. "

Source: Taliba