Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

KC, reyna ng puso ni Richard!

KC, reyna ng puso ni Richard!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

SURE ako na nabitin kayo sa kolum ko kahapon. Kaya, read niyo na agad ito, para malaman niyo kung ano ba ang nangyari sa pagdalaw nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa bahay ko.
***

And I pointed out na kapuwa nagtulungan sina Marian at Dingdong for their own glory. Hindi si Ma­rian lang o si Dingdong ang nagdadala ng team kundi symbiotic sila, nagtutulungan at ang joint efforts nila paid off.

Marami kaming off the records na napag-usapan. Alam ko namang mula't sapul ay nakikinig na si Dingdong sa mga satsat ko (for him) kahit na for me ay mga indirect advises 'yun which he also take into consideration, if not follow.

Sabi ko sa dalawa, make your eyes wide open, be wary at mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa inyo, pick the good ones and snub the bad ones!

Habang nanduon ang dalawa ay nakatutok kami sa GMA at kundi pa namin sila itinaboy dahil nagsimula na ang “Showbiz Central” ay baka nagtagal ang tsika namin kahit na they refused to drink anything na serve by John-John.

Hayun, picture-taking at bumaba na sila, and pro­mised to be back when they find the time.

Pagbaba nga ng dalawa, aba, sangkatutak na ang mga kapitbahay naming may kanya-kanyang camera rin para magpa-picture with Marian and Dingdong.

Biro ko pa nga, “Hayan, tingnan nga natin kung isnabera nga ang Marian!”

Natawa si Marian and she pretended to run to embrace ang mga naghihintay para magpa-picture. Lahat sila napagbigyan sa picture-taking na ang kapalit naman ay ang pangako ng mga kapitbahay namin na manonood silang palagi ng “Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.”

Oh, debah may katuturan din ang pagpunta sa amin nina Marian at Dingdong?

Kayo riyan, kelan niyo naman ako maaalalang dalawin?
***

Siyempre, kung may Dingdong at Marian, dapat may Richard Gutierrez at KC Concepcion din, dahil baka magalit si Annabelle Rama, di ba, Ronald Cons­tantino?

Well, si Richard nga ang itinuturing na Valentine Box-office King ngayon, dahil sa apat na magkakasunod na taon ay puro kumita ang mga movie niya, tulad ng Let The Love Begin, I'll Always Love You, The Promise, na kasama si Angel Locsin, at `yung last year na My Best Friend's Girl Friend, na kasama naman si Marian.

At ngayong Valentine, si KC naman ang reyna ng puso niya sa pelikulang When I Met U.

At dahil diyan, dapat lang na tawagin na ring King of Hearts si Richard, `no!

Anyway, sa When I Met U, mas lovelier, mas matamis, at mas masaya nga raw ang movie na `yan nina KC at Richard, na prodyus ng GMA Films at Regal Entertainment, at dinirek ni Joel Lamangan.

Aba, pinaghirapan nina Richard at KC ang movie na `yan, dahil pareho silang nagpaganda ng katawan, para raw bumagay sa magandang dagat at tanawin ng Palawan.

Sabi nga ni Romarico M. Barrientos:

“Who doesn't know King Richard of tinseltown? Once a chubby, chubby little angel like his twin brother Raymond, Richard grew into one of Philippine cinema's golden boys - for sheer talent, industry, and mature attitude.”

Source: Abante