|
|
| KC, wagi sa 'US Girls Icon'!![]() Author: Alfie Lorenzo ANG apo kong si KC Concepcion ang tinanghal na “Us Girls Icon”. Ginanap ang pagbibigay parangal kay KC sa unang “Us Girls August Awards” last Aug. 20 sa New Eastwood Mall Open Park sa Libis, Quezon City. Si KC ang napili nila dahil angkin niya ang katangian ng tunay na modernong babae - matalino, maganda, magaling manamit, at isang modelo para sa kabataan. “Mas lalo akong ginaganahan na magpursige sa pag-aartista at pati na sa mga adbokasiya ko dahil sa award na ibinigay sa akin,” sabi ni KC. Hindi naman nagpahuli sina Kim Chiu at Anne Curtis. Wagi si Kim bilang “Face of the Year” kasama si Isabelle Daza at Tweety De Leon. Si Anne naman ay napiling isa sa “Most Fashionable Women of the Year” kasama ang mga modelong sina Bea Soriano, Divine Lee, Bianca Valerio, at ang TV Patrol World">TV Patrol World reporter na si Marie Lozano. May payo sina KC, Kim at Anne sa mga girls. Hindi raw kailangang gumastos ng malaki para maging “in fashion.” Kahit daw sa ukay-ukay lang binili ang suot na damit, kaya itong dalhin. Sabi pa ni Anne, ang mga Pinoy na designers ang dapat suportahan. Nanalo rin bilang “Make-up Artists of the Year,” sina Jigs Mayuga, Barbi Chan, Bobby Carlos at Krist Bansuelo. “Stylists of the Year” naman sina Rey Ilagan, Bianca Santiago, Liz Uy, at Pam Quinones. Bagama't umuulan nu'ng gabing `yon, hindi nagpapigil ang mga host na sina Angel Aquino, Megan Young, at Iya Villania sa pagpapabongga sa kanilang kasuotan. Pati raw mga fans ay todo-porma rin. Mapapanood ang awards night na ito kina KC, Kim at Anne sa Sunday (Aug. 30, 7:00 p.m.) sa Studio 23. Siyanga pala, pinili ang mga nanalo base sa poll votes sa website ng programa sa http://usgirls23.multiply.com at sa deliberasyon ng staff ng “Us Girls.” Source: Abante |