Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

KC-Piolo, tinanggihan ng direktor?

KC-Piolo, tinanggihan ng direktor?

Author: Abante

LIMANG araw na ring nakakapag-taping si Direk Joyce Bernal para sa bagong project sa GMA 7 nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang 'Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang'.

Sabi ni Direk Joyce, ibang-iba raw ang series na ito nina Dingdong at Marian, kumpara sa dalawa nilang nauna na parehong siya rin ang director.

“Actually, it will be good for me and for Marian and Dingdong. I don't know lang for them (viewers), kasi, hindi nga ito katulad ng dalawang nauna nilang soap.

“Although, 'yung excitement na nararamdaman ko, the same when I was doing Marimar,” sabi ni Direk Joyce.

Hindi raw mawawala ang pressure, pero sey ni Direk Joyce, hindi lang siguro niya pinapansin lalo pa nga at galing sila sa dalawang serye na consistent number one sa rating.

Anyway, nagulat naman si Direk Joyce nang itanong namin sa kanya 'yung tungkol sa pagkuha raw sa kanya bilang director sana ng Lovers in Pa­ris na first series sa ABS-CBN nina Piolo Pascual at KC Concepcion.

At sabi, hindi raw niya tinanggap ang project na 'yon?

“Ano lang, nag-promise nga sa akin si Tita Malou (Santos), before. Kaso, pumunta na sa akin ang GMA before, nakapag-meeting na ko, at saka pa lang ako nabalikan (ng ABS-CBN).

“So, nauna na ang GMA, ito ngang 'Babaeng Hinugot'.”

Okey lang daw kay Direk Joyce na magdirek ng serye sa Kapa­milya network, nagka­taon lang daw ta­laga na nauna na siyang ma­kapag-commit sa Kapuso network.

Kaibigan daw niya si Piolo na leading man sa Lovers, kaya lalong okey raw sana sa kanya.

“Pareho ko silang kaibigan. Tapos 'yung Lovers mismo, gusto ko.

Nakakapanghinayang. Pero, okey naman na, naintindihan naman nina Tita Malou.”

Hindi raw totoo na ayaw niyang gumawa ng soap sa ABS.

“Hindi! Nasa pro­ject talaga. At saka, freelancer ako. Ayoko naman ng natatali,” sabi na lang ni Direk Joyce.

Source: Abante