|
|
| KC-Richard loveteam may kilig factorAuthor: John Fontanilla MARAMI kaming nakausap na nagsasabing sobrang may kilig factors ang Valentine's offering ng GMA Films na pagtatambalang muli ng two hottest stars sa bansa na sina Richard Guttierez at KC Concepcion na may title na When I Met You. Kahit nga kami ay hindi maiwasang mangiti at kiligin everytime mapapanood ang teaser ng pelikulang ito nina Richard at KC. What more, kapag naipalabas na ang trailer nito. Kaya naman pihadong makaka-jackpot at papatok sa takilya pelikulang When I Met You, katulad ng naunang pelikula ng dalawa. * * * VERY honest at mukhang seryoso ang comedienne-turned-host na si Wilma Doesnt sa pagsasabing sa mga young actor ngayon ay ang mga Kapuso Stars na sina Wendell Ramos, Antonio Aquitana at ang E Television 3rd Sexy man Around the Globe na si Dingdong Dante ang gusto niyang makasama sa isang isla. Tsika ni Wilma, parang ambango-bango daw ng tatlong GMA stars, kaya naman daw hindi siya magdadalawang-isip na patulan ang mga ito at magkaroon ng anak sa tatlong actors. Wala nga daw itong paki, if ever, na malaman ni Marian Rivera, na screen partner ni Dingdong. "Wala akong pakialaman sa kanya noh! Type ko talaga si Dingdong," natatawang sabi ng host. Pagmamalaki pa nga nitong sinabi na siya ang tipo ng babae na madaling ma-in-love sa isang lalaki na magpapakita sa kanya ng interes at kabaitan. "Mabilis ako ma-in-love, pakitaan lang ako ng maganda o kahit matapik lang yata ako mabubuntis na kaagad ako. Hahaha!! Kaya hagisan lang ako ng short tiyak na buntis na ako," pabirong birada ni Wilma. * * * KABABALIK pa lang sa bansa ay mukhang very busy na ang Pinoy Canadian Idol at alaga ng kaibigan naming si Banjo Uy na si Ramir Omusura na nakakasa na ang line-up ng shows nito ngayong unang salto sa Year Of The Ox. Naibalita rin sa amin ng manager nito na malapit-lapit na ang big album launch nito na susundan ng mall tour sa lahat ng SM Malls at Robinsons Malls ay kaliwa't kanan naman ang kanyang guestings sa iba't ibang TV shows. Kuwento naman ng lady Friday nito na si Tita Amy na isang series of Concerts sa buong kapuluan ang nakatakda itong gawin kung saan makakasama nito nag ilan sa top singers sa bansa bilang espesyal na panauhin nito. * * * NAKAUSAP namin ang isa sa star ng Pieta at magaling na singer na si Lance Raymundo kamakailan at natanong namin sa kanya ang tungkol sa magandang opurtunidad na mapasama sa isang maituturing na obra maestra na pelikula na isina-telebisyon ng ABS-CBN na Pieta, kung saan isa siya sa may napakagandang role. Kaya naman daw malaki ang pasasalamat ni Lance sa Dos dahil sa role na ibinigay sa kanya bilang si Turko ay maraming tao na na regular viewers nito ang tinatawag siya sa nasabing pangalan at hindi na Lance. Ibig sabihin daw ay tumatatak ang kanyang character, dahil na rin natatandaan ng mga tao ito. From Pieta ay kasama din si Lance sa Indie films na Motorcycle na pinagbibidahan ni Jayson Abalos mula sa Cinema One Originals na isinulat ni Carlo De Guzman at idinerehe ni Jon Red, ang direktor ng hit serye ng ABS-CBN na Eva Fonda. At after nitong magawa ang Motorcycle ay nakatakda ring mag-shoot this month si Lance ng Indie film na may titulong Jojo Binay Story at isang war film entitled The Forgotten War, kung saan makakasama nito ang award-winning actors na sina Yul Servo at Baron Geisler. Source: Taliba |