|
|
| KC,inaabangan sa bagong soapAuthor: Nitz Miralles Linggo na nakabalik si KC Concepcion mula sa pagdalo sa 2009 Formula 1 Grand Prix sa Singapore. Kasama sa pagiging ambassador niya ng World Food Programme ng United Nations ang kanyang pagdalo at nakunan pa siya ng picture na may hawak na banner ng WFP. Trabaho agad ang hinarap ni KC dahil big promo nila ni Piolo Pascual ng Lovers in Paris kahapon sa ASAP, The Buzz at Sharon at bukas ang simula ng airing nito. Inaabangan ang tambalan ng dalawa para tingnan kung bagay silang magkapareha. Marami ring naka-schedule na mall tour si KC para sa Close-Up. Inaayos na rin ang next movie niya sa Star Cinema at sa November, kasama uli siya sa Mega 30 concert ni Sharon sa Las Vegas at Palm Springs. * * * Suki ng Dear Friend sina Jennica Garcia at Mart Escudero dahil tatlong episodes na sila ang bida, ang pinakahuli'y ang episode kahapon (Sunday) entitled 3 Bachelors. Muli silang gaganap na mag-asawa at 'di sila nahirapang umarteng sweet dahil nagkabalikan na. Sa istorya, isang kasambahay si Emily (Jennica) na in-love sa amo niyang si Miguel (Mart) na in-love kay Sarah (Kyla), pero ipakakasal sa kuya ni Miguel na si Vince (Jay-R). Kasama rin sa cast si Paulo Avelino sa role ni Jaime at si Jun Lana ang director. May sakit si Jennica sa last taping day nila ng Dear Friend, kaya inalagaan siya ni Mart. Tuluy-tuloy pa ang bonding at sweet moments ng mga bagets dahil magkasama rin sila sa Lamang Lupa episode ng Shake, Rattle & Roll X. Natawa si Mart sa tsika ni Jennica na awkward sa kanya nang magkaroon sila ng kissing scene ni Polo Ravales sa Adik Sa 'Yo dahil ex-BF ng ina niya ang actor. Hindi pinapanood ni Mart ang kissing scene ni Jennica kahit noong break sila para hindi siya magselos. * * * Kumare pala ni Gelli de Belen sina Ruffa Gutierrez at Ai-Ai delas Alas, hosts ng Ruffa and Ai na katapat ng Sis nila nina Janice de Belen at Carmina Villarroel. Inaanak niya si Venice ni Ruffa at si Niccolo ni Ai-Ai, kaya 'di niya pini-personal ang pagkakatapat ng kani-kanilang shows. Inamin ni Gelli na kinakabahan sila nina Janice at Carmina 'pag may bagong shows ang ABS-CBN na itinatapat sa kanila, pero suwerte sila na 'di pa rin sila natatalo. Ang nakikita niyang sikreto ng Sis ay dahil right combination sila at naging habit na sila ng televiewers. "Wala rin kaming pretensions na intellectual kami at alam namin ang lahat. Hindi trabaho ang tingin namin sa show, kaya nag-i-enjoy kami," wika ni Gelli. Isa sa pinakamagan-dang nagawa ng Sis kina Gelli at Janice ay naging close sila dahil noong mga bata pa sila, 'di sila close at laging nag-aaway. Nga-yon, magbarkada pa sila, pero hindi pa rin sinasabi ni Janice kay Gelli kung bakit nag-break sila ng kanyang last boyfriend. * * * Ibinalita ng office ni Sen. Loren Legarda na ang animation film on environment na Ligtas Likas ay isa sa mga napiling ipalabas sa 1st SM Green Film Festival na nagsimula last September 23. May free screening pa ang LL sa Cinema 6 ng SM Memagall, 2pm. , sa Sept. 30, at sa Cinema 3 ng MOA, 8 a. m. , sa October 7. Also, magkakaroon ng jobs fair ang Ofiice ni Sen. Loren para sa overseas at local employment sa October 7, 8 a. m. -4 p. m. , sa Cuneta Astrodome, Pasay City. Sa pakikipagtulungan ito ng DOLE, Pasay City government, PESO Association of Metro Manila. Kasali sa jobs fair ang 50 local and 50 overseas employment agencies at 14,000 job vacancies ang open. * * * Monday sa Stairway to Heaven, sisiguraduhin ni Maita (Jean Garcia) kay Eunice (Glaiza de Castro) na mapupunta sa kanya si Cholo (Dingdong Dantes) ngayong wala na si Jodi (Rhian Ramos). Kaya nang bumalik sa Amerika ang binata, sumama si Eunice. After five years, bumalik sa bansa ang dalawa, magkasintahan na sila at playboy na si Cholo. Sa isang party, ia-announce ni Maita na malapit nang ikasal sina Cholo at Eunice, aalis sa party ang nasorpresang binata. Susumbatan siya ni Eunice at sasabihing 'di pa nito nakakalimutan si Jodi na Jenna na ang pangalan. Simula na ng emotional scenes ni Dingdong bilang si Cholo at maraming eksenang iiyak siya at magpapakita ng lungkot at pagdaramdam, kaya tutukan. * * * Sa Rosalinda, naniwala si Fernando Jose (Geoff Eigenmann) na magkaibang tao sina Rosalinda at Paloma dahil kilala niya ang una na 'di matitiis ang anak, habang walang pakialam sa bata ang huli. Hindi nito alam na iniyakan ni Rosalinda ang pagkakita sa anak. Pupuntahan ni Paloma si FJ sa condo nito, pero wala ito. Magkikita sina Paloma at Soledad (Glydel Mercado) at sa pagkagulat, matatawag na inay ni Paloma si Soledad. Source: People's Tonight |