Apr 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kabataang tumutulong para sa kapwa nila bata

Author: The Philippine Star

Nakatutuwang marinig na ang mga sikat nating kabataang artista ay may panahon na rin ngayon para sa kawanggawa. Tulad na lamang ni Angelika dela Cruz na isa sa mga young professionals na myembro ng SIKAT, ang Samahang Itinatag ng mga Kabataang Aktibo at Tapat. Hangad ng grupo na makatulong sa pag-unlad "for a better community". Isa sa paraan ng pagtulong nila ay ang pagdaraos ng isang concert sa Abril 16, 8:00NG sa Mandaluyong Gym na pinamagatang Seryoso Ako, Pare!.

Ang kikitain dito ay gagamitin sa pagpapatayo ng halfway houses para sa street-children ng Metro Manila. P100 lang ang halaga ng ticket. Kaabang-abang ang number ni Angelika kasama ang streetchildren.

Bagaman at sobrang busy si Angelika, may oras pa rin siya para sa pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng konsyerto. Ito kasi ang paraan na naisip niya para makapagpasalamat sa mga blessings na tinatanggap niya, ang tumulong sa nangangailangan. Hangad niyang maging role model ng kabataan kaya active siya sa mga grupo gaya ng SIKAT. * * * Ibang paraan naman ang gagawing pagtulong ni Mildred Ortega Templo sa mga nangangailangan. Bagaman at matagal na siyang tumutulong bilang isang pribadong indibidwal at bilang isa sa mga hosts ng Kapwa Ko Mahal Ko, ngayon ay ninanais niyang mas marami pang matulungan at mas mabigyan ng focus ang area ng kanyang pagtulong sa pamamagitan ng pagtakbo bilang konsehal sa Unang Distrito ng Lungsod Quezon.

Tapat at seryosong programang pangkalusugan ang alok ni Mildred. Sa halip na gamot sa sakit, mas gusto niyang pag-ibayuhin ang programang pangkalusugan upang maiwasan ang sakit (preventive medicine) para sa mga lumalaking bata, babaeng buntis at pagkalinga sa mga senior citizens.

Ilan sa mga proyekto niya ay gawin ang QC Gen. Hospital na sentro ng pangangalaga ng kalusugan para sa maralita, libreng gamot para sa pangkaraniwang sakit, gawing regular ang health workers sa pamahalaang lokal, palakasin ang programa sa sanitation at kalinisan sa kapaligiran at tumulong sa pagpapairal ng kapayapaan at kalusugan. * * * Nanalo ang GMA ng limang Candy Awards sa ika-5th Candy anniversary party na ginanap nung Marso 27 sa Expo Exchange Greenbelt 1. Ang Candy Awards ay ibinibigay taun-taon ng Candy Magazine base sa mga tinatanggap nilang boto mula sa mga mambabasa nila.

Ang Love to Love ng GMA ay nanalo bilang The Must-See TV Show. Kinilala rin ng magazine ang exceptional acting abilities nina Maxene Magalona at Cogie Domingo bilang Best TV Actress/Actor. Best TV Heartthrob naman si Richard Gutierrez at sila pa rin ni Chynna Ortaleza ang napiling The Fave Loveteam.

Hinangaan ang StarStruck Avenger at GMA Artist na si Christian Esteban sa pakikipag-interact nito kay Juddha Paolo at sa dance number nila nina Dion Ignacio, Anton dela Paz, Sheena Halili, Jade Lopez, Alvin Aragon, Katrina Halili at Tyron Perez.

Source: The Philippine Star