Apr 17
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kahindik-hindik na drama sa pagpatay

Author: Gorgy Rula

'KAKATUWANG ­subaybayan ang Daldalita sa GMA 7.

Masaya si Cherry ­(Rufa Mae Quinto) na isama nila ni Mateo (Ogie Alcasid) si Daldalita (Jillian Ward) sa zoo.

May bagong plano si Cherry upang mawala na sa landas niya si Daldalita.

Sa zoo, uutusan ni Cherry ang bata na kunan siya ng litrato sa tulay. Papaatrasin ni Cherry si Daldalita hanggang sa malag­lag ito sa ravine sa tabi ng bridge!

Matataranta sina Bobby the pig at Daisy the duck! Gusto sana nilang tulu­ngan si Daldalita ngunit papalapit ang buwaya! Masa­yang iiwan sila ng hitad na si Cherry!

***

Matapos ang high-­rating hardcore horror episodes, muling hinaha­mon ng Spooky Nights ang mga manonood sa November Screamers na binubuo ng apat na kahindik-hindik na drama kaugnay sa mercy killing, adultery, child abuse at paghihiganti.

Mapapanood bukas nang gabi ang “Ka-DUGO” na tungkol sa pagpapahinto ng life support ng isang pasyente.

Ang sitwasyong ito ay pinagdaraanan ng magkakapatid na Ethel ­(Angelika de la Cruz), Ronnie (Mike Tan), at Jessa ­(Jackie Rice).

Bagama't tutol si ­Jessa sa mercy killing, nagdesisyon ang kanyang Ate Ethel at Kuya Ronnie na tapusin na ang paghihirap ng kanilang ina na anim na buwan nang comatose.

May idudulot na nakakatakot ang aksyon nilang ito...

Isang kwentong pampamilya ang mananakot sa mga manonood ng Spooky Nights bukas, pagkatapos ng Manny Many Prizes sa GMA 7.

***

Mapapanood ang Just for Laughs Gags simula bukas nang 11:30 PM, pagkatapos ng Inside Protégé sa GMA 7.

Ito ang kapalit ng Co­medy Bar nina Eugene Domingo, Allan K at ­Fabio Ide.

Ang Just for Laughs Gags ay maituturing na pinakatapat na reality show sa telebisyon.

Ito ay kumbinasyon ng pinag-isipan, pinaghandaan at mga nakatutuwang pranks na ibabato sa mga walang muwang na subjects at huhulihin ng hidden cameras ang kanilang reaksyon.

***

Tatlong bagong prog­rama ang handog ng TV5 bukas nang gabi, pagkatapos ng Wil Time Bigtime.

Ang mga ito ay ang The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto, Regal Shocker at Real Confessions.

Ang The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto ay naiibang reality-comedy format na tipong “show within a show. ”

Guest sa pilot episode si Aga Muhlach.

Balik-telebisyon ang Regal Shocker. Tampok sina Gabby Concepcion at Niña Jose sa unang epi­sode nitong “Elevator. ”

Ang dating Star Confessions ay ginawang ­Real Confessions na magbabahagi ng mga inspiring na kuwento ng buhay ng mga tao.

***

Nawindang si Puri Titiwang sa pagkawala ng yahoo group niyang Puri Titiwang Presents noong ­Miyerkules, Araw ng mga Kaluluwa...

Engrande ang paglu­lunsad ng TV5 sa dramaserye ni Lorna Tolentino na Glamorosa bukas nang gabi...

Ipagdiriwang ni ­Eliseo 'Jason' Gonzaga (aka Laharni Mayon vda. de ­Ormoc) ang kanyang ika-51 kaarawan sa Nobyembre 12...

Source: Abante Tonite