|
|
| Kahit close kay Karylle...Rufa Mae Quinto kumampi kay Marian sa buntis isyuAuthor: Tonee Coraza NA-MISS ni Rufa Mae Quinto ang nangyaring 'highlight' sa presscon ng Desperadas 2 kung saan nag-iiyak si Marian Rivera dahil sa buntis isyu kasi kinailangan na nilang mauna ni Ogie Alcasid dahil may taping pa sila for Bubble Gang nang araw na 'yon. Sa interview kay Rufa Mae later that day, sinabi niyang naloka siya sa nangyari at labis siyang naaawa kay Marian dahil ito ang lumabas na kontrabida sa split-up nina Dingdong Dantes at Karylle. "Kasi naman naka-three years din sina Dingdong at Karylle kaya masyado na silang na-identified sa isa't isa," komentaryo ni Rufa Mae. Aminado si Rufa Mae na mas close siya kay Karylle dahil magkasama sila nito sa SOP dati. Pero okey naman daw kasama si Marian sa movie nila kaya wala si-yang kinakampihan sa dalawa. Bigla lang ni-yang naalaala ang isyu rin sa kanya noon sa mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza. Siya naman ang lumabas na kontrabida noon kahit siya pa nga ang unang naging girlfriend ni Avanzado. * * * NAGPAKAWALA ng cash and item prizes sa Christmas party ng GMA-7 for the press last Sunday night, pero marami ang umuwing luhaan. Marami pa nga ang hindi nananalo sa raffle tapos naulit na namang mabunot sa electronic tambyulo ang mga pa-ngalan ng nanalo na ka-ya marami ang nagkadoble-doble ang premyo, at meron pa ngang tatlong beses nabunot. At naloka ang lahat dahil ang daming nabu-bunot na pangalan na wa-la naman dumating sa party. Tama ang katotong Joey Sarmiento na dapat kasi wala munang ulit hanggang may mga press pang hindi nananalo, in fairness sa mga reporters na nag-effort na pumunta ng naturang Christmas party. Tutal Pasko naman at mas masaya kung lahat ay makatatanggap ng premyo mula sa Kapuso. Kung tutuusin, lahat ng mga dumalo ay nanalo sa pa-raffle kung hindi lang naulit nang naulit ang pagbunot sa names ng mga nanalo na. Feeling unfair tuloy ang Christmas party ng GMA-7 sa mga dumalo pero, tinakam lang at nainggit sa mga nanalo nang paulit-ulit. Suggestion nga ng marami, ibalik na lang sa traditional na bunutan sa tambyolo o sa isang kahon ang pangalan ng mga kasali sa raffle. Dapat sundin na lang ang dati nang ginagawa na pagdating ng isang showbiz reporter ay isusulat nila ang panga-lan nila sa isang papel at sila na mismo ang mag-huhulog nito sa isang box o tambyolo para si-guradong ang mabu-bunot lang ay 'yong mga nagpunta sa party at hindi kung sinu-sinong wala naman sa okas-yon. Anyway, salamat pa rin sa lahat ng mga artista at executives ng GMA-7 na nag-donate ng cash prizes including ang dalawang grand prize worth P25,000 each mula kay Atty. Felipe Gozon. Mabuhay ang lahat ng taga-GMA-7. Merry Christmas po sa inyo! Source: Taliba |