Jul 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelp

Kahit once a week lang, Regine wish masolo buong maghapon si Ogie Alcasid

SUPER-cute at ganda nitong Pinay- Mexican singer na dinala sa 'Pinas ni Manny Pacquiao, na si Jasmine Villegas na 14 years old lang. Gagawing artista at singer ni Pacquaio si Jasmine dahil ngayo'y si Manny ang talent manager niya sa Pilipinas. U...

 

Kahit once a week lang, Regine wish masolo buong maghapon si Ogie Alcasid

Column: Cut!
Author: Noel Asiñas

SUPER-cute at ganda nitong Pinay- Mexican singer na dinala sa 'Pinas ni Manny Pacquiao, na si Jasmine Villegas na 14 years old lang.

Gagawing artista at singer ni Pacquaio si Jasmine dahil ngayo'y si Manny ang talent manager niya sa Pilipinas. Unang nasilayan ng mga Pinoy si Jasmine nang kantahin niya sa huling fight ni Manny vs Juan Manuel Marquez ang national anthem ng America , ang Star Spangled Banner.

Short -lived lang ang stay ni Jasmine sa bansa. Na-introduce ni Manny ang dalagita sa GMA management. Ka-ya naman tampok ang dalaga sa mga shows ng network ngayong linggo, Last Wed-nesday ay opening number siya ng Kung Ako Ikaw. Kumanta at sumayaw si Jasmine.

Sa improntu interview na-min kay Jasmine sa set ng Kung Ako Ikaw, napag-alaman naming kamag-anak niya ang direktor ng KAI na si Cesar Cosme. Iisa ang pinagmulan nila ni Direk Cosme, ang Kawit, Cavite . Ang mo-ther ni Jasmine ay Pinay na mula sa pamilyang Valez ng Kawit.

Ang ama naman niya'y Mexican na lumaki sa San Jose , California at salesman ng fire extinguisher doon.

'Di magtatagal sa 'Pinas si Jasmine dahil may previous commitments siya sa Amerika. Mainstay siya ng mga programa roon ng Disney Channel.

* * *

SPEAKING of Manny Pacquiao, bago pala siya umalis sa Pilipinas ay magti-taping ulit siya for Pinoy Records sa Sunday pagkatapos ng SOP, kung saan pareho silang guest ni Jasmine Villegas.

Exciting ngayong Saturday ang Pinoy Records dahil mapapanood ang pagda-di-ving ni Manny sa Cebu . Nga-yon lang ito ipapakita sa TV.

Samantala, nakatutuwang panoorin ang labanan nina Ryza Cenon at Glaiza de Cas-tro sa pagiging folk dance queen. Magpapaligsahan ang dalawa sa pag-Tinikling at pagsasayaw sa ibabaw ng baga.

Nakaiintriga namang panoorin ang tinaguriang 'kandila queen' ng bansa dahil gagawa siya ng record sa pagpatay ng kandila sa pama-magitan ng kanyang dila.

* * *

MALAKING tsismis sa set ng Nuts Entertainment ang pagiging inseparable ng dalawang sina Alfred Vargas at Jana Roxas ng StarStruck 4. Sabi ng staff ng show, pa-rati nilang nakikitang nag-u-usap at very sweet ang dalawa sa set.

Location ang taping ng games ng Nuts kaya naman libre ang bawat isa na makagala sa malaking set nito.

'Di ba wala namang ka-relasyon ngayon ni Alfred? Sinabi niya ito sa presscon ng Dyesebel. Hanggang friendly dates lang daw siya ngayon. Pero, naghahanap daw siya ng bagong GF na tag-lay ang mga katangian ng 'ex' niyang si LJ Reyes.

Anyway, ang masarap abangan din sa Nuts ay ang Balakubak portion. Uupo sa hot seat sina John Lapus at Mo Twister. Malalaman kung totoo bang nakarelasyon ni Mo si Joyce Jimenez.

* * *

PAPATAYIN na naman ang character ni Yul Servo sa soap.

Papatayin siya ni Gen. Russo (Eddie Garcia) dahil wa-la na siyang silbi para rito. Gusto lang kasi ni Gen. Russo ay maagaw ang power ni Yul para lalo siyang maging makapangyarihan.

Eh, naunahan siya ni Joa-quin Bordado. Kaya walang napala sa kanya si Gen. Russo. gagawing abo si Yul ni Eddie.

Pero, hindi magtatagal ang pagkawala sa eksena ni Yul dahil bubuhayin ulit ang character niya sa ibang episode ng soap.

* * *

GUSTO ni Regine Velasquez na maging pareho ang day- off nila ng syotang si Ogie Al-casid.

Kaya ang hiling niya sa boyfriend ay huwag tatanggap ng trabaho pagkatapos ng SOP tuwing Sunday. Gusto niyang, kahit once a week, magkapiling silang dalawa bu-ong maghapon.

Parehong busy kasi ang schedule nila. Si Ogie ay may apat na shows ngayon sa GMA- 7 --SOP, Bubble Gang, The Big Show at Pinoy Idol. Si Regine naman ay mayroong tatlo -- SOP, Songbird at Kim Sam Soon.

Samantala, sa Bubble Gang ngayong Friday ay tampok ang gags na Nakulong Gangs. Panauhin sina Dennis Trillo, Bearwin Meily at Rhian Ramos.

Kababaliwan din ang mga portion na Tsimoy Records, spoof ng Pinoy Records ni Manny Pacquiao.

* * *

TULUY-TULOY ang business ni Katrina Halili sa paggawa ng sariling line ng girls swim wear and lingerie.

Napag-usapan ang bikini swim wear ni Katrina sa presscon ng Magdusa Ka dahil sa may sariling line-up siya na mabibili lang sa Internet.

Ani Katrina: "Di ko pa alam ang total sales namin sa ngayon. Alam mo ang ang bumubili nito ay karamihan ay lalaki. Gusto raw nilang makakuha ng mga isinuot kong swimwear sa photo shoots ko. "

May dalawang designers si Katrina na gumagawa ng bikini collection niya.

* * *

SAMANTALA, sa Magdusa Ka, si Katrina Halili ay inalalayan nang husto ni Direk Maryo J. delos Reyes dahil sa ibig maalis ng direktor ang mga mannerism ni Katrina na pang-kontrabida.

Dalawang taon na kontrabida role ang ginampanan ni Katrina kaya hanggang ngayon ay nadadala niya ito kahit na inaaping babae ang papel niya .

Ang unang-unang binago kay Katrina ay ang kanyang eyebrow. Kinapalan ito at hindi kailangang magtaas-kilay siya. Pati ang modulation ng kanyang boses ay dapat baguhin. Kasi, dapat maging soft ang tinig niya sa kanyang dialogues.

Kapartner ni Katrina si Dennis Trillo sa Magdusa Ka. Off-beat din ang role ni Dennis bilang basagolerong binata.

Pumasok pa siyang macho dancer kaya tiyak ay kikiligin ang mga bading at kababaihan sa dance numbers ni Dennis.

Dahil sa bigote ni Dennis, nagkaroon ng rushes sa mukha si Katrina sa kanilang kissing scenes.

Ayon kay katrina, wala raw lasa ang halik ni Dennis. Kaya sa halip na mag-enjoy daw siya sa eksenang 'yun, nasaktan pa siya. Ilang araw ding ininda ni Katrina ang rushes niya sa mukha.

Sabi naman ni Dennis, lasang strawberry ang lips ni Katrina kaya enjoy na enjoy siya sa lips-to-lips scenes nila.

Source: Taliba