|
|
| Kahit sino pa ang bida Sharon 'di pabor sa Dear Heart remakeAuthor: Aster Amoyo Ayaw pa rin ni Sharon Cuneta na ipagawa ang first movie niyang Dear Heart kahit kanino, kahit pa sa anak ni Robin Padilla, na si Queenie, na sabi'y siyang magiging first movie nito sa Viva Films, o kahit pa raw sa isang prinsesa. Ito ang sagot ni Hindi na rin daw ito pwedeng gawin ng anak niyang si KC, na ikinalungkot nga nito, dahil 15 years old lamang siya nang gawin niya ang movie and KC is now 23. Para kay Sharon, kailangan daw gumawa ng unique kind of magic for this generation dahil once in a lifetime lamang talaga ang Dear Heart, at kung itutuloy daw ito ng Viva Films, it will break her heart. Paano kung ito raw ang gawing movie nina Richard Gutierrez at KC sa GMA Films? Hindi pa rin daw, hindi na rin bagay kay KC dahil inulit niyang 23 years old na nga ito ngayon. Meanwhile, magiging busy na si Sharon sa mall shows para i-promote ang Caregiver. Ngayong Sunday, May 18, nasa SM Bacoor siya; May 23 sa SM * * * Bata pa talaga si Makisig Morales, kaya hindi siya nahihiyang magkuwento tungkol sa direktor nila sa Caregiver, si Chito Roño. Nang pagkuwentuhin siya tungkol kay direk Chito noong nasa Pero hindi na malilimutan ni Makisig na kahit daw matagal na hindi natuloy ang pagsu-shooting nila sa London, thankful siya sa Star Cinema dahil natuloy din ito at iyon ang first trip niya sa Europe. At hindi rin daw niya makakalimutan ang kabaitan ni Sharon Cuneta na napakabait daw at laging tumatawa, ganoon din ang kanyang Tito John Estrada, at sina Vhong Navarro at Rica Peralejo. * * * Happy si Gladys Reyes dahil natupad ang wish niya na after ng first child nila ni Christopher Roxas, si Christophe, ay maging baby girl daw naman ang isisilang niya. Caesarian section si Gladys, kaya ang due niya to give birth ay sa first week of July, 2008, pero wish niya na pumayag ang kanyang OB-Gyne na maisilang niya ang kanilang baby girl sa June 23 para magkasabay ang birthday nila. May nakahanda na raw silang name ng baby girl nila, si Aquisha, na lagi raw binabanggit ni Christophe. Nagpaalam na pala si Gladys sa Sunday afternoon telefantasya ng GMA 7, ang Tasya Fantasya dahil hindi na rin daw niya kaya ang pagti-taping, lalo na kung medyo malayu-layo ang location nila. Saka hirap na rin daw ang scriptwriter na palabasing preggy siya lagi sa story. Mapapanood pa siya ngayong hapon na hahanapin ng kaibigan niyang si Tasya (Yasmien Kurdi) bilang si M, sa magical world, ang nawawalang prinsesa (Ella Guevara) hanggang sa maibalik ito sa queen (Ana Roces). Pero kahit malapit-lapit na ang pagsisilang niya, tuloy pa rin ang trabaho ni Glayds sa business nilang KSA whitening beauty products at sa programa niyang Moments sa Net 25. * * * Got a word na totoo palang tinanggal na sa Wowowee ang isa sa mga hosts nitong si Precious Lara Quigaman. At ang reason daw, dahil isinama nito sa Source: The Philippine Star |