|
|
| 'Kambal Sa Uma' at 'Santino', nakakabuwisit na! Kasumpa-sumpang buwan ng Setyembre! (2)Author: Alfie Lorenzo AKALA ko ay sa Cainta lang 'yung putik eh laganap pala talaga ang grasya ng Diyos, kaya lahat may share. Naalala kong bigla nu'ng pumutok ang Mt. Pinatubo eh nasa Guam kami. Akalain n'yong pati doon eh umabot ang ash fall akala tuloy namin mag-i-snow na doon! Ha! Ha! Ha! Ha! At ang buong Pampanga ay ni-lahar! But until now, it is still a mystery to me why that mudflow can be so destructive. 'Yung dining table kong binili pa mandin sa mamahaling Play & Display store ay nadurog at mga paang bakal lang ang natira. Most of the chairs I bought sa Play & Display ay umuga rin at nakalas. Pinasok din ng putik 'yung ref ko. Ayaw ko ng tuklasin kung ano pa ang mga sinira ng bagyo para 'di na ako ma-stressed. Ipinaris ang pananalasa ng bagyong si Ondoy sa ginawa ni Katrina sa New Orleans noon na sinira ang buong siyudad. Eh, dito sa atin sikat pa rin naman si Katrina Halili ah. Hindi ba nga, documented pa nga siya sa mga nagkalat na pirated DVD? Tandan lang ang kasabihan: Into each life some rain must fall. And when the storm comes, babaha tiyak 'yun, debah? Yes, my friend Nini Matilac. I have watched from day one ang last obra maestra mong “Kambal Sa Uma” na magtatapos na sa Biyernes. Kaya lang, bilang pampahaba eh nakakabuwisit na ang mga eksenang paulit-ulit na lang, bilang pampahaba nga. Hayan kahapon at flashback na naman ng pagsilang ng kambal na daga. Buwisit na rin ako sa kidnapping kay Santino na 3 weeks ng pinalalabas para humaba ang exposure ng kidnapper ni Santino na mukhang demonyo! Ganyan din sa “Tayong Dalawa” hanggang sa maging tatlo na sila! Imagine, pina-worry pa ang mga fans ni Coco Martin na kiyemeng nasabugan ng himulmol ng jacket at baka mabulag. Hayun nga at nabulag ang Coco Martin hanggang sa ending ng teleseryeng nagpasikat kay nine inches na may kasunod na teleserye uli na “Nagsimula sa Puso” (kaninong puso kaya ng bakla ang nag-cast sa kanya? Along with Jason Abalos!), kahit na may Agimat pa siya ni Ramon Revilla! 'Yun namang “Florinda” mula simula hanggang wakas ay 'yung misyon pala ni Cherry Pie Picache na patayin si Maricel Soriano ang paksa ng maikling teleserye. We expected a more violent death for the wicked Cherry Pie, pero hayun at inuntog lang ni Maricel ang ulo nito at the end na! Hay salamat! Bawas kunsumisyon na sa gabi bago ako mag-Luxor magdamag, noh! Source: Abante |