Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kami pa rin ni Tony Boy -- Gretchen

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

Kahit hindi sabihin ni KC Concepcion, 'di maitago ng singer/aktres ang kilig 'pag si Richard Gutierrez na ang itinatanong sa kanya.

Sa panayam ng The Buzz kay KC, kinumusta ang aktor at tinanong kung tuloy na ba ang umano'y pan-liligaw nito sa kanya? Asus, bigla na lang nag-blush si KC at hindi napagilan ang tumawa na animo'y isa siyang teenager.

Well, ganyan talagang feeling 'pag inspirado ka at may isang taong nagpaparamdam sa 'yo na espes-yal ka.

Aniya, "Basta si Richard ang taong hindi papayag na makalimutan mo siya," paglalarawan pa nito sa guwapong aktor.

Kahit sinong babae raw ay makakaramdam na importante siya sa ginagawang pagtrato ni Richard.

All praises si KC sa binatang anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, huh. Napakabait daw kasi nito.

Kami man ay naniniwalang nice guy nga itong si Richard. Hindi siya mayabang na gaya ng ibang artista na may ere na.

Hindi rin kami naniniwalang isnabero si Richard gaya ng napapabalita. In fact, siya nga itong mabilis makatanda ng mga pangalan at mukha ng mga taong ipinapakilala sa kanya.

Hindi kami magtataka kung eventually ay magustuhan din siya ni KC knowing na choosy din ang anak ni Megastar Sharon Cuneta, huh?

Anyway, binuking naman ni Ruffa Guttierrez ang kapatid on air pa, na pinapadalhan nito lagi ng bulaklak si KC kahit nasa Amerika ang aktor ngayon kasama ang iba nilang kapamilya.

Roses at Chocolates daw ang pinapadala ni Richard lagi kay KC, walang mintis ito.

So, ano pa ba ang tawag natin sa ganitong mga hakbang? Alangan naman gusto lang ni Richard na maging text mate si KC?

Isa si KC sa iilan lang na paborito namin. Hindi man kami personal na magkakilala ng anak ni Mega ay hanga kami sa ginawang pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina.

May breeding at intact ang values. Hindi matapobre.

Abangan ang muling pagsabak ni KC sa telebis-yon. I Am KC ang title ng show niya at hindi na ito pang-isang gabi lang.

Birthday special ito ni KC at buong buwan ng Abril natin siya mapapanood sa ABS-CBN.

* * *

Iniintriga ngayon si Valerie Concepcion. Ano ba itong nabalitaan namin na hindi raw niya katawan ang seksing sumasayaw sa Slenda commercial?

How true ba ito?

Tinanong namin ang aming nakausap kung bakit naman niya ito nasabi, ano ba ang basehan ng mga nang-iintriga kay Valerie?

Bilugan daw kasi ang katawan ng aktres/ TV host kung kaya't marami ang nagdududang siya nga ang na-sa TV commercial na ito.

Dinepensahan naman namin agad si Val. Hindi nila nakikita ang aktres/ TV host nang malapitan para husgahan nila nang gayan.

In fairness, ang laki ng ipinayat ni Valerie. Malaki siyang tingnan kasi matangkad siya at malaman. Pero hindi siya chubby gaya ng sinasabi ng iba.

Sa tingin namin ay lantarang paninira lang ito kay Valerie. Marahil naiinggit lang sila dahil in na in ang single mom na ito ngayon. Hindi naman siguro ku-kunin ng Slenda bilang endorser itong si Val kung peke naman pala ang katawan na gagamitin ni Val, noh?

* * *

Sinagot ni Gretchen Barretto ang walang kamata-yang isyu tungkol sa kanila ni Dodie Puno. Kahit Semana Santa na ay wala pa ring humpay ang intriga kay La Greta.

Heto na, sinabi ni Gretchen na oo, dumalo siya sa graduation ng apo ni Dodie. Aniya, she is the type na nagpapahalaga ng mga kaibigan. Kaibigan daw ang turing niya hindi lang kay Dodie kundi sa buo nitong pamilya.

Nakiusap din si La Greta na huwag nang lagyan ng malisya ang friendship na meron sila ni Dodie. Dagdag pa nito, sana raw ay masanay na rin ang mga tao na makita siya sa mga okasyon ng pamilya Puno dahil kaibigan daw niya ang mga ito.

Tinanong si Gretchen kung ano ang say ni Tony Boy Cojuangco about this? Sinabi ni Gretchen na never siyang naglilihim kay Tonyboy. Hindi man daw super sang-ayon ang partner niya sa paki-kipagmabutihan pa rin ni Gret-chen kay Dodie, pero ayon kay Gretchen buo ang tiwala ni Tonyboy sa kanya.

Ipinagdiinan din ni Gretchen na sila pa rin hanggang ngayon ni Tony Boy.

"Kami pa rin ni Tony Boy!" nakangiti pa niyang pahayag.

Source: Taliba