Nov 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kampo ni Annebelle Rama hinamon ang PEP na ilabas ang witness nito

Author: Nitz Miralles

NAGBALIK sa Showbiz Central noong Linggo si Annabelle Rama para sagutin ang mga pahayag ni Atty. Sandra Olaso-Coronel, lawyer ng PEP, sa Startalk.

Nanawagan si Annabelle kina Atty. Felipe Gozon at Jimmy Duavit na imbestigahan ang show dahil one-sided daw.

'Kaaliw si Annabelle nang mag-sorry muna kay Lisa Gokongwei bago sabihing hindi na dapat i-ban sa Robinsons malls si Richard Gutierrez dahil 'di ito pumupunta at mga talent niya sa malls ng mga Gokongwei dahil walang tao at mainit.

Hindi rin niya tatanggapin ang pagkakapili as one of Yes! Most Poweful in Showbiz dahil hindi siya influential.

Kasama ni Annabelle na nag-guest ang lawyer niyang si Agnes Maranan na nagsabing kung 'di susundin ng PEP ang nakasaad sa Cease-and-Desist Letter, may posibilidad na mag-file sila ng legal o criminal case laban sa PEP.

Sabi naman ng lawyer ni Richard na si Atty. Angelica Santiago, ilabas na ng PEP ang kanilang witness dahil gusto na rin nilang makilala kung sino ito.

Mahaba pa ang tatakbuhin ng kasong lady lawyers ang magsasagutan.

Bago matapos ang show, lumabas si Raymond na may hawak na magazine ng Summit Media na cover si Isabel Daza at nag-dialogue na mahal nila ang Summit Media.

Sa Digital Don't Lie to Me, inamin ni Maui Taylor na ipinaayos niya ang ilong, baba, tiyan at boobs, pero hindi ang puwet.

Ibinalita nitong sa May, magpapabawas siya ng boobs.

* * *

HINDI pinapanood ni Ariel Rivera ang kanyang mga pelikula at 'yun ang dahilan kung bakit umalis sila ni Gelli de Belen at mga anak bago ipalabas ang Padre de Pamilya sa premiere night ng movie at babalik na lang sila 'pag malapit nang matapos ang pelikula.

Pati TV show niya, hindi nito pinapanood at ang asawa ang nanonood at nagkukuwento sa kanya.

"Nahihiya ako, kaya I can't comment sa sinasabi ninyong underrated actor ako. It's not important naman if I'm a good actor, what is important is I have the respect of my fellow actors and I do my best to portray the role assigned to me the best I can," sabi ni Ariel.

Tungkol sa corruption ang pelikula at hindi alam ni Ariel kung timing ang showing nito sa 2010 elections para ipamulat sa tao na sanay na tayo sa corruption.

Hindi alam ni Ariel na susuportahan ng Catholic church ang pelikula na showing sa April 29, sa direction ni Cesar Evangelista Buendia. Ito rin ang pelikulang Bible ang give-away sa mga nanood ng preem night.

* * *

VIOLENT ang reaction ng fans ni Marian Rivera sa nasulat naming pagsasamahin sila ni Carla Abellana sa Nieves ng Regal Entertainment.

Mas nag-react pa sila kesa manager ng actress at kay Marian mismo na okey lang makasama sa project ang newcomer.

'Wag daw ikumpara si Marian kay Carla na wala pang napatunayan.

Sa ayaw at gusto nila, magkakasama ang dalawa sa MMFF entry ng Regal at posibleng magsama sa TV dahil pareho silang talent ng GMA-7.

Pero, matagal pang mangyayari ito't Rosalinda ang gagawin ni Carla at si Mairian ay nakalatag na ang next project after Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang.

Samantala, mamayang gabi sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, galit si Rado (Paolo Contis) sa balitang ikakasal sina Proserfina (Marian Rivera) at Homer (Dingdong Dantes).

Malalaman ng dalaga kung sino ang nagpadukot sa kanya. Magkakagulo sa simbahan dahil hindi si Proserfina ang dumating para maging bride ni Homer.

Iba ang bride.

* * *

SA All About Eve, sasabihin ni Katrina (Jean Garcia) kay Robert ang lahat ng nangyari, pati ang tungkol kay Frederico (Richard Gomez).

Kinausap ni Robert si Fred about his past girlfriends na ikapipikon nito. Nagpatawag ng meeting ng board si Robert to introduced Katrina as his liaison officer.

Magkikita na sina Katrina at Frederico.

Nagulat naman si Kenneth (Mark Anthony Fernandez) habang nagsu-swimming sa pagsulpot ni Erika (Sunshine Dizon) suot ang jacket na bigay niya.

Nang hubarin ang jacket, naka-swimsuit ito at ise-seduce ang binata.

Source: People's Tonight