|
|
| Kampo ni Chris Tiu, nagalit sa nakaw na halik![]() Author: Jun Nardo BULUNG-BULUNGAN ang pag-alma raw ng isang taong malapit kay Chris Tiu sa taping ng show niyang Ripley's Believe It Or Not (sa Bilib Ka Ba Nights ng GMA) nang bigla siyang halikan ng tatlong babaeng nag-guest sa isang segment ng show. Wala raw sa script ang paghalik ng mga babae kay Chris. Eh, hindi siguro napigilan ng tatlong babeng guest ang sarili nila na mahalikan ang guwapong basketbolista at host kaya, maging si Chris mismo ay nagulat daw sa mga halik na dumapo sa kanya, huh! Pero, hindi nga raw 'yon nagustuhan ng taong malapit kay Chris. Nagalit nga raw ito sa halik na ginawa ng tatlong babae, kaya nagdayalog daw ito na after ng nangyari, hindi na puwedeng mahalikan si Chris at iwasan na ang mag-guest ng babae sa show. Well, kung true ito, hindi naman masisi ng staff ng show ang pag-alburoto ng malapit kay Chris. May image nga naman itong iniingatan lalo na pagdating sa relihiyon nila. Kaya nga hosting lang ang gustong pasukin ni Chris, dahil kapag nag-artista ito, naku, mas maraming tukso ang hindi niya makakaya lalo na ang mga taong malalapit sa kanya, huh! Inirerekomenda ang isang magaling na aktres para maging leading lady ni Richard Gutierrez sa bago niyang series, ang local version ng Zorro. Handa sanang baguhin ang hitsura ng aktres upang bumagay sa age ni Chard, pero tumanggi ang ilang malalapit sa actor. Kaya naman ang GMA, magkakaroon ng search para sa bagong partner ni Richard sa Zorro ngayong araw na ito, Biyernes, simula ala-una nang hapon. Para sa mga girls na sa tingin nila ay may karapatan sila na makapareha ang actor, pumunta lang kayo sa GMA Network Center ngayon. Ang balita namin, interesado ring mag-audition ang anak ng actor na si Rey Abellana. Ramp model daw ang anak ng dating alaga ni Tito Alfie Lorenzo at gandang-ganda raw ang ilang executives ng network at maging si Mother Lily nang masilayan ang anak ni Rey Abellana. Ang Zorro ang susunod na pagkakabalahan ni Chard after ng shooting niya ng When I Met U with KC Concepcion. Nakabantay si Paolo Contis sa taping ng All Star K nina Jaya at Allan K nang mag-taping sa isang episode ang girlfriend na si Lian Paz ng EB Babes. Bakante pa siguro sa trabaho ang actor kaya nagagawa pa niyang samahan sa mga commitments si Lian, huh! Ang paghu-host ng bagong game show na My Dad Is Better Than Your Dad ang isa sa bagong projects ni Paolo sa GMA. Ito ang ipapalit sa Family Feud Celebrity Edition tuwing Sunday na ididirek ni Rico Gutierrez. Isa rin sa contestants sa episode na 'yon ang co-member ni Lian sa grupo na si Saida. Nabalitaan naming siya raw ang ka-date ni Dingdong Dantes nu'ng pumunta sila ni Paolo sa Boracay bago ang New Year. Hindi man namin natanong si Saida sa intriga, suwerteng si Dingdong naman ang guest K-ller sa next episode na iti-tape kaya siya na ang tinanong namin. “Hindi totoo 'yon. Nagkita lang kami roon pero hindi kami ang magka-date. Kasama ko ang pamilya ko that time!” pagtatanggi ni Dingdong. Isang eyewitness din ang dumepensa kay Dong na nagsabing never nagkasama sa lakad sina Dingdong at Saida. Isa kasi si Saida sa kasama ni Lian sa Boracay na inilibre ni Paolo. Palibhasa magkaibigan sina Dingdong at Paolo at nasa Boracay rin ang EB Babes kaya hindi maiwasan ang intrigang tutuhugin ng magkaibigan ang members ng female dance group, huh! Source: Abante |