|
|
| Kampo ni Jennylyn bumuwelta kay PatrickAuthor: Vinia Vivar NAGTATAKA ang kampo ni Jennylyn Mercado kung bakit sinasabi ni Patrick Garcia na sana, sabihin sa kanya ng young actress ang date ng pagpapa-pre-natal check-up dahil gusto niya itong samahan. As far as they know, alam daw ni Patrick kung kailan ang monthly check-up ni Jen at hindi naiiba pa. Granting na hindi raw nito alam, madali namang malaman kung talagang gusto nito. Huwag na raw sanang gumawa pa ng mga alibi ang young actor kung gusto nitong umiwas sa responsibilidad. Samantala, Jen is keeping herself busy hanggang kaya pa niyang magtrabaho. At ang nakatutuwa, pati ang fans niya ay kumikilos para suportahan ang kanilang idolo. Sa Internet, may petisyon ang mga ito na ibigay na lang kay Jen ng GMA-7 ang local version ng Koreanovelang Full House at si Mark Herras ang request nilang leading man, dahil miss na raw nila ang lovetam ng dalawa. Naniniwala ang fans ni Jen na bagay na bagay sa dating magka-loveteam ang proyekto. By the way, sa April 11 ay guest si Jen sa show ni Allan K. sa Klownz, Quezon Ave. , titled The Big Show with the Big Nose, kasama sina Valerie Concepcion at Joross Gamboa. * * * HINDI na kinaya ni Mariel Rodriguez na tanggapin ang seryeng Habang May Buhay, starring Judy Ann Santos and Derek Ramsay, dahil sa hectic schedule. Nanghihinayang man ang TV host, wala siyang magawa sa patung-patong na commitments, lalo pa nga't magsisimula na sa Sunday ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus, kung saan ay isa rin siya sa hosts. Bago si Mariel, in-offer din kay Valerie ang role, pero since busy siya that time sa shooting ng Supah Papalicious, may daily show pa tulad ni Mariel at tinanggap ang gag show na Banana Split, hindi na niya natanggap ang serye. Balitang napipisil si Heart Evangelista for the role, pero hindi pa rin ito definite. * * * AYON kay Jigo Garcia nang makausap namin recently sa isang lamay, ipinakilala na sa kanya ng anak na si Jennica Garcia ang rumored boyfriend na si Mart Escudero. So far, okay naman daw sa kanya ang young actor at mukhang mabait naman daw ito. "Binilinan ko na nga tungkol kay Jennica. Ang haba ng bilin ko, back-to-back page," pagbibiro ni Jigo. Hindi naman daw siya nagagalit kung may boyfriend na ang kanyang dalaga at an early age, dahil siya man daw, maagang na-in-love sa nanay nitong si Jean Garcia. Sixteen lang daw si Jigo nang magkaroon sila ng relasyon ni Jean, kaya naiintindihan niya ang nararamdaman ni Jennica ngayon. Mahirap daw talagang pigilan ang pag-ibig. "Pero ang request ko lang, huwag muna siyang magpakaseryoso," say ni Jigo. Proud na proud ang dating aktor sa anak at aniya, kapag napapanood niya ito, kinikilabutan siya't ang sinasabi sa sarili, "Ang galing ng anak ko!" Wala raw siyang masasabi sa rumored relationship ni Jean kay Polo Ravales dahil matagal na rin naman silang may kanya-kanyang buhay. "Basta mamahalin siya ng guy, okay lang sa akin," say ni Jigo. Source: People's Tonight |