Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kampo ni Richard, tahimik sa lipatan isyu

Author: Vinia Vivar
Column: Hot 'n Spicy

ILANG linggo nang laman ng blind items ang young actor na si Richard Gutierrez. Ang sabi, may malaking tampo ito sa home studio na GMA-7, kaya mukhang lilipat na sa ABS-CBN 2.

Ilang tao na sa kampo ng mga Gutierrez ang sinubukan naming kunan ng komento, pero lahat sila'y wa talk hanggang ngayon.

Lalo tuloy lumalakas ang bulung-bulungang susunod na si Richard sa dating kaparehang si Angel Locsin sa Kapamilya Channel.

Ano nga ba ang totoo sa umiikot na tsikang sobrang tempting ang alok ng Dos, kaya nagdadalawang-isip nang mag-renew si Richard sa Siyete? Sa Mayo raw mag-e-expire ang kontrata ng aktor sa Kapuso network.

As of this writing, may usapin ng offer at counter offer, pero wala namang gustong mag-confirm o mag-deny nito. 'Kalokah!

* * *

ITO ang confirmed. Natuloy nga ang contract-signing ni Gabby Concepcion sa ABS-CBN noong Tuesday, kaya opisyal nang Kapamilya ang aktor.

Aside from Gabby, present sa okasyon ang bigwigs ng ABS-CBN at Star Cinema.

Gabby signed a two-year exclusive contract. Maraming proyektong nakalaan para sa kanya tulad ng pelikula, teleserye at TV guestings.

Balitang tatlong pelikula ang nakatakdang gawin ng aktor at may mga project siya with Bea Alonzo, Claudine Barretto at Angel.

So far, ayon sa Star Cinema, wala pa sa mga proyektong nakaplano kay Gabby ang makasama ang anak na si KC Concepcion at ang dating asawang si Sharon Cuneta.

Pero kung ang aktor ang tatanungin, very much willing siyang makasama ang kanyang mag-ina and for sure, ito rin ang gusto ng fans.

'Yun nga lang, sa ngayon ay medyo malabo pa ito, partikular na ang Gabby-Sharon project, dahil na rin sa intrigang maaari nitong idulot.

Samantala, after Gabby, kahapon ay si Sharon naman ang nagkaroon ng contract-signing sa Star Cinema. At first, inakala naming para sa isang bagong project ang pinirmahan ng Megastar.

Pero ayon sa isang Star Cinema insider, ang contract signing ay para sa pelikulang Caregiver na matagal nang plantsado.

* * *

Balitang isa sa napaglihian ni Danica Sotto si Allan K. Natatawang inamin naman ito ng TV host-stand-up comedian nang makatsikahan namin siya last Monday.

"Oo, kaming dalawa ni Jose. Sabi niya kay Bossing (Vic Sotto), 'naiinis ako kay Allan, laging masikip ang suot niya. ' Sabi ni Bossing, 'lagi namang masikip ang suot ni Allan, ah!' Tapos si Jose raw, hindi nakakatawa. Iniisip ni Bossing, laging ganoon naman ang ginagawa ni Jose," natatawang kuwento ni Allan.

Ang ending, pinayuhan ni Vic ang anak na huwag munang manonood ng Eat Bulaga dahil delikado.

Biruan nga raw, kawawa naman ang bata dahil baka lumabas na pango.

Anyway, Allan is having a show on April 11 sa Klownz, Quezon Ave. with Valerie Concepcion, Jennylyn Mercado at Joross Gamboa. Titled The Big Show with a Big Nose, kasama rin sina Gemma at Jasmine Fitzgerald, Miguel Hernandez, Patricia Gayod at Mayo Zuzuki.

* * *

CASTING coup ang mapapanood ngayong Biyernes sa Maalaala Mo Kaya dahil magsasama ang dalawa sa pinakamagagaling nating veteran star — Eddie Garcia at Gloria Romero.

Magtatagisan ng galing sa pag-arte sina Tita Gloria at Manoy Eddie sa kuwento ng isang pag-ibig na dinirehe ni Jeffrey Jeturian.

Idagdag pa rito ang pagkakasama ng isa pang napakagaling na aktor — si Bembol Roco — kaya we must say na isa itong episode na hindi talaga dapat palampasin.

Gagampanan nina Eddie at Gloria ang papel na dating magkasintahan na nagkalayo, pero muling pinagtagpo ng kapalaran kung kailan nasa dapithapon na ang kanilang buhay.

Source: People's Tonight