Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kapag guilty sa anti-violence against women... Hayden makukulong ng 12 years

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Sa taping ng Kap`s Amazing Stories ni Senador Bong Revilla na napapanood every Sunday sa GMA-7 ay nagpa-interview ang actor/ politician pero nakiusap na huwag nang ungkatin ang isyu sa kanila ni Rosanna Roces.

Itatanong sana namin kung bakit bigla-biglang tumahimik si Osang sa pagtataray laban sa kanilang pamilya particular na kay Jolo Revilla.

Anyway, napunta ang tsikahan namin sa resulta ng ipinaglaban ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho.

"Naiinip na rin ako sa magiging resulta ng PRC (Professional Regulatory Commission) kung tatanggalan ba ng lisensiya si Hayden Kho. In fact, naiinip na ako at ano ba ang resulta? Ang tagal-tagal ng imbestigasyon," bungad sa amin ni Sen. Bong.

Kung siya naman daw ang tatanungin ay nagawa na niya ang dapat niyang gawin.

"Mayroon na tayong batas. Mayroon na tayong anti-voyeurism law. Bale magba-bicam (bicameral) na lang, 'yung anti-boso at saka voyeurism at mayroon din tayong solid na batas, 6-12 years imprisonment," say pa ni Bong.

Ang problema lang ay hindi retroactive ang nasa-bing batas kaya hindi pa pasok sa kaso ni Hayden.

Pero sa kasong anti-violence against women and children papasok ang kaso at solid naman daw ang ebidensiya nila kaugnay nito.

Kung sakali ay 6-12 years na pagkakakulong din ang parusa nito.

"Basta ang sa akin, kung sino talaga ang may sala, dapat managot," say uli ni Bong.

'Yun kaso naman kay Dra. Vicki Belo ay depende na raw sa DoJ kung may makikita silang ebidensiya against her.

Pahabol ni Sen. Bong, huwag kalilimutan panoo-rin every Sunday ang kanyang Kap`s Amazing Stories dahil bukod sa nakapagbibigay ito ng aral ay mapapanood din natin ang mga nakakamanghang kaganapan na mahirap paniwalaan pero totoong nangyari.

* * *
In fairness naman kay Phillip Salvador, na ama ni Joshua kay Kris Aquino, nagpunta ang actor sa burol ni former Pres. Cory Aquino sa La Salle.

Dumating si Ipe sa burol pero nagkataong wala ang mga anak ni Tita Cory.

Alam ni Ipe kung paano minahal at inalagaan ni Tita Cory ang kanyang anak na si Joshua kaya masakit sa actor na palabasin na hindi man lang daw siya dumalaw sa burol.

Nang malaman nga raw niya na hindi na maganda ang kondisyon ni Tita Cory ay ipinagdasal niya na bumuti ang kalagayan ng ina ni Kristeta.

At nang yumao na ang former President Cory ay hindi siya nagdalawang - isip na magpunta ng burol para magbigay ng huling respeto sa lola ng kanyang anak.

Kung nagkita-kita raw sila ng mga anak ni Tita Cory and ni Kris nang magpunta siya sa burol ay nakahanda naman daw ang kanyang kalooban dahil angtanging ha-ngad niya ay magpasalamat sa dating Pangulo.

Sa tuwing magkasama raw sila ng anak na si Josh ay lagi raw bukambibig ng anak si President Cory Aquino.

Kaya alam niya kung paano minahal at inalagaan ni Tita Cory ang anak nila ni Kris.

* * *

Hindi lang pala si Nadine Samonte ang kaagad na umalis pagkatapos ng presscon ng Darna sa Studio 5 ng GMA-7.

Katuwiran nga raw ni Nadine ay hindi siya kuntento sa role na ibinigay sa kanya ng Kapuso kaya hindi na ito nagtagal sa presscon.

Pero marami rin ang nakapuna nang biglang pagkawala ni Janice de Belen sa said presscon.

Inisip tuloy ng mga reporter na umiiwas kaya ito ungkatin kung bakit pumayag sa role na maging ina sa Darna?

Ang iba naman ay nag-isip na umiiwas lang daw si Janice na pag-usapan ang nalalapit na pagpapakasal ni John Estrada sa Brazilian girlfriend nito.

Ano nga ba ang katotohanan, Janice, at bigla kang nawala sa presscon na marami pa naman reporters ang gusto kang interbyuhin?

May nagsasabi tuloy na baka raw hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Janice na wala nang pag-asang magkabalikan sila ni John.

Pero lagi naman sinasabi ni Janice kapag nakausap ito ng ilang reporter na nakapag-move on na siya sa paghihiwalay nila ni John.

Source: Taliba