|
|
| Kapamilya Big Winners in the 22nd Star Awards for TV![]() Author: Julie Bonifacio Nag-uwi ng malaking karangalan ang kapamilya stars na dumalo sa 22nd Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club sa SMX ng Mall of Asia noong Linggo. Tinanghal na Best Actor ang male lead star ng Lobo na si Piolo Pascual at nanalo rin ng Best Single Performance By An Actress award ang kanyang leading lady na si Angel Locsin. Ito ang kanyang kauna-unahang acting award. Big winner din si Edu Manzano as Best Game Show host sa Pilipnas, Game Ka Na Ba?, Julius Babao para sa Best Male Newscaster, Kim Atienza for Matanglawin at Robi Domingo as Best New Male TV Personality. Nagkaroon ng komosyon sa audience nu'ng umakyat ng stage si Edu dahil ang nababalitang girlfriend niya ngayon na si Pinky Webb ang nag-announce ng winner for Best Game Show na napanlunan ng Pilipinas, Game Ka Na Ba? Nu'ng muling babasahin naman ang winner for Best Game Show Host ni Julius Babao, panay ang silip ni Pinky kung sino ang nakasulat na pangalan sa envelope. After ma-announce na winner si Edu at tanggapin ang trophy, pinasalamatan niya si Pinky na halatang nag-blush sabay talikod sa audience. Pagbaba ni Pinky sa podium ng stage, namumula pa rin siya at pinagpapawisan. "Hangggang ngayon pinagpapawisan pa rin ako," ngiti ni Pinky sa mga members ng PMPC. "Never ako'ng pinagpawisan ng ganito katindi sa buhay ko." Surprise winner naman that night si Ruffa Guierrez bilang Best Female Showbiz -Oriented Talk Show host sa The Buzz ka-tie ang kapwa niya host sa show na si Cristy Fermin. First time rin ni Ruffa na manalo bilang host. Ito ang kauna-unahang award ni Ruffa pagkatapos ng napakalaking kontrobersya noon sa Manila Film Festival. Incidentally, host ng 22nd Star Awards for TV ang nasangkot din sa scam na 'yon at nanalong Best Actor na si Gabby Concepcion. Ang escort ni Angel sa 22nd Star Awards night na si Luis Manzano ang napili bilang Male Star of the Night. Prior to Luis, hinahabol ng production staff ang Daddy niya na si Edu sa labas ng SMX para sabihan na huwag munang umalis dahil siya ang winner bilang Male Star of the Night. Nakiusap si Edu na kailangan na niyang umalis at ibigay na lamang sa kanyang anak na si Luis ang mapapanalunan niya. Si Luis ang nanalo bilang Male Star of the Night at si Rufa Mae Quinto naman ang Female Star of the Night. Ang Kapamilya stars na sina Judy Ann Santos, Gabby Concepcion at Anne Curtis ang nag-host ng event plus ang GMA7 host na si Paolo Bediones. Pagdating ni Piolo sa bandang left side ng stage kung saan nakatambay ang ilang mga artista, nakaupo na ang boyfriend ni Judai na si Ryan Agoncillo. Hindi napansin ng ABS-CBN.com na nagbatian sina Piolo at Ryan. Pero nu'ng pagkatapos tanggapin ni Piolo ang kanyang award ay isa si Ryan sa mga unang artista na kinamayan niya. Bago magsimula ang show nakausap ng ABS-CBN.com si Anne at masaya niyang ibinalita na nag-usap na sila ni Sam sa trade launch ng mga bagong shows ng ABS-CBN last week. Dahil nakapag-usap na sila ni Sam kaya naibalik na raw ang maganda nilang pagtitingan tulad nu'ng nag-uumpisa pa lang daw sila. Iginawad naman ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award kay Ms. Rosal Rosal at ang Excellence in Broadcasting Lifetime Award kay Sen. Loren Legarda. Narito ang kumpletong listahan mga nagwagi sa sa 22nd Star Awards for TV: Best Single Performance By An Actress- Angel Locsin (Maalaala Mo Kaya/'Pilat'/ABS-CBN2) Source: ABS-CBN Interactive |