|
|
| Kapamilya at Kapuso stars imbitado sa 2nd reception ng wedding nina Judy Ann at RyanAuthor: Nitz Miralles Magkasama ang Kapamilya at Kapuso stars sa Manila reception ng wedding nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na gagawin sa Le Souffle Restaurant sa Rockwell mamayang gabi. Binanggit sa amin ang mga pangalan nina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Claudine Barretto, Direk Rowell Santiago, Dominic Ochoa at Derek Ramsay sa ilan sa ABS-CBN stars na invited. Sa Kapuso stars, imbitado sina Iza Calzado, Rhian Ramos, Marvin Agustin, Raymart Santiago, Dingdong Dantes at ang buong grupo ng Eat Bulaga, sa pangunguna nina Tito, Vic & Joey. Sa reception sa Batangas naman dumalo si Tony Tuviera, head ng TAPE, Inc. , na mahal ng mga bagong kasal. Malaking istorya kung dadalo si Piolo at sana nga ay dumating siya para matigil na ang tsikang may isyu pa rin sa kanilang pagitan ni Judy Ann at ni Ryan. Aabangan din siyempre kung ano ang regalo niya sa mga ikinasal. * * * Nag-sit-IN kami sa storycon ng Adik Sa 'Yo at narinig naming ipinangako ni Direk Joel Lamangan ang isang masaya, glossy, makulay at nakatatawang rom-com series. Inilatag din ng director ang mga ayaw niya sa taping, gaya ng bawal ang ma-late, bawal magdala ng kasambahay, kakampi at katsikahan sa set. Kung may problema, sa kanya o sa staff magreklamo at hindi sa manager o sa press people. Nag-pictorial na last Monday ang buong cast at sa May 5 ang first day taping. Sa Quezon Province, Laguna, Batangas, Navotas, Tagaytay at Quezon City ang location. Tampok dito ang loveteam nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin at Jennica Garcia at Dennis Trillo, na siya ring kakanta ng theme song. Join din sa cast sina Beth Oropesa, Chanda Romero, Joey Marquez, Pauleen Luna, Iwa Moto, Vaness del Moral, John Lapus, Benjie Paras, Ces Quesada, Mosang, Sex Bomb Dancers, Chariz Solomon, Jim Pebangco, Tony Mabesa, Luz Valdez at German Moreno. * * * Kasama sa cast ng Kambal Sa Uma ang Fil-Brit Star Magic talent na si Kristine Snell, bilang kontrabida ni Shaina Magdayao. Kahit pambida ang beauty, okey lang sa 17-year-old ang magkontrabida. In fact, itinuring niyang birthday gift (April 14 ang birthday niya) ang pagkakasama sa afternoon series ng ABS-CBN. Nasa cast din ng Underage si Kristine, pero ang Kambal Sa Uma ang first regular show niya at nangakong gagawin ang lahat para tama ang acting niya. Commercial model si Kristine bago nag-showbiz at naging endorser siya ng Pond's, Smart, Dermclinic at may lalabas na bagong endorsement. With her 34-24-34 vital stats, puwedeng magpa-sexy si Kristine at open siyang mag-cover sa men's magazine. Kung 'di raw sobrang bastos, payag siyang magpa-sexy sa pelikula. Sexiest male actor kay Kristine si John Lloyd Cruz at si Vhong Navarro naman ang kanyang crush. "Kaya sexy sa akin si John Lloyd dahil gusto ko sa lalaki, sexy kahit hindi magpakita ng katawan at 'yun ang dating sa akin ni John Lloyd. Kaya naman crush ko si Vhong, dahil gusto ko ng comedy at lagi akong pinatatawa. Kaya silang dalawa ang gusto ko. " Sumang-ayon si Kristine sa panghihinayang ng press dahil pareho nang taken sina John at Vhong. Kung walang girlfriends ang dalawa, posible nilang matipuhan si Kristine. * * * Sa Kakasa Ka Ba Sa Grade 5?, nagbabalik ang Red Cross project assistant na si Mary Anne Trillana upang harapin ang mga natitira pa niyang katanungan para maiuwi ang isang milyong piso. Wala na siyang natitirang cheat at ang baong talino na lang ang baon niya. Second player si Aiza Seguerra, na dahil sa maganda ang track record sa sinasalihang game show at laging nakukuha ang jackpot prize, malaki ang tsansang manalo. Tutukan kung sino kina Mary Ann at Aiza ang mananalo ng jackpot prize. Host si Janno Gibbs, kasama ang ating classmates on air. Source: People's Tonight |