|
|
| Kapamilya star, puntirya ni Dingdong![]() Author: Abante ILANG araw na ring may sakit si Dingdong Dantes kaya't na-cancel ang supposedly out-of-town show niya. Walang magawa ang actor kundi ang magpahinga lang sa bahay niya. Timing na nga lang daw na at least nga naman, wala siyang tinamaang taping kundi mangilang-ngilang commitments tulad nga ng show na `yon sa isang prubinsiya. At dahil nasa bahay lang ng ilang araw, tinotoo ni Dingdong na panoorin na ang video ng Stairway To Heaven. Noon lang niya ito napanood kahit ipinalabas na sa GMA at umani ng napakataas na ratings. Nag-text si Dingdong sa amin para sabihing maganda nga raw pala ang Stairway. Sey pa niya, konti lang halos ang cast, pero, markadong lahat. Natawa lang kami dahil kung dati, ang magiging leading lady niya lang sana at siyang gaganap sa papel ni Jodi ang pino-problema, iniisip na rin ni Dingdong kung sino raw kaya sa tingin namin ang puwedeng gumanap sa role ni Eunice, at kapatid na lalaki ni Eunice, at mommy ni Eunice. May mga pangalan kaming binanggit na sinang-ayunan naman ni Dingdong. Hindi maiwasan ni Dingdong na makita si Marian Rivera na kung nagkataon daw, nakikita niyang bagay na bagay rito ang role na Jodi at kayang-kaya ng aktres. Pero siyempre, alam niyang imposibleng mangyari 'yun dahil may kanya-kanya na silang project. Okey kay Dingdong ang isang female Kapuso star kung ito nga ang mapipili sa role na Jodi, dahil nakikita niyang bagay rin dito. Pero, surprisingly, may naisip ang actor na female star. So far, mas visible sa kabilang network na kung i-a-allow raw siguro ay bagay rin dito na gumanap sa role. Hindi maiwasan ni Dingdong na makita si Marian Rivera na kung nagkataon daw, nakikita niyang bagay na bagay rito ang role na Jodi at kayang-kaya ng aktres. Pero siyempre, alam niyang imposibleng mangyari 'yun dahil may kanya-kanya na silang project. Okey kay Dingdong ang isang female Kapuso star kung ito nga ang mapipili sa role na Jodi, dahil nakikita niyang bagay rin dito. Pero, surprisingly, may naisip ang actor na female star. So far, mas visible sa kabilang network na kung i-a-allow raw siguro ay bagay rin dito na gumanap sa role. Source: Abante |