Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kapamilya starlet Jeni Hernandez plans showbiz return after giving birth

Jeni Hernandez with her baby girl Atheona Alice Morales.

Author: Rose Garcia


Simula nang mabuntis, wala na halos nabalitaan pa sa dating Kapamilya star na si Jeni Hernandez na masasabing unang nakilala sa pamamagitan ng afternoon show noon na Magandang Tanghali Bayan as one of the sexy co-host. She was last seen in the blockbuster movie Kasal, Kasali, Kasalo at dati ring isa sa characters sa tele-epiko ng ABS-CBN na Rounin.

Yun pala, last March 21 ay nag-give birth na si Jeni sa kanyang first born na isang girl at pinangalanan nila itong Atheona Alice Morales.

Kahit hindi pa kasal, pangalan na ng boyfriend at ama ng kanyang anak ang gamit na apelyido ng bata.

Kuwento ni Jeni sa PEP (Philippine Entertainment Portal), her delivery went well at normal ito dahil aniya, natapat daw kasi na Good Friday mismo nang ipinanganak niya ang anak kung kaya't wala halos katrapik-trapik sa kalsada.

So far, engaged na raw sila ng kanyang boyfriend and father of her baby na si Renan Morales, a non-showbiz guy, pero, wala pa raw silang plano as to when is their wedding. Malamang daw na by next year na ito para mas makakapag-prepare at makapag-plano pa silang mabuti.

Jeni was being managed before by Dondon Monteverde, pero nang magpasyang magpahinga muna ay nagpaalam na rin daw siya sa manager. She was last seen in Quizon Avenue in ABS-CBN at madalas ay nagge-guest din daw siya sa Wowowee bago nga siya nabuntis at nagpahinga muna.

Ayon kay Jeni, plano raw niyang magbalik-showbiz either June or July of this year, not unless, of course, may magandang opportunity na raw na dumating sa kanya.

Siyempre pa, for just almost less than two months as a mommy, napaka-espesyal at memorable raw para sa isang first time mom, tulad niya ang Mother's Day na ipinagdiriwang ngayong araw na ito.

Source: Philippine Entertainment Portal