Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kapamilya stars, agawan sa 'Betty La Fea'!

Kapamilya stars, agawan sa 'Betty La Fea'!

Author: Vinia Vivar
Column: Hot 'N Spicy

Wala pa raw napipili ang ABS-CBN kung sino ang gaganap na Betty sa local version ng Betty La Fea, na matatandaang dapat ay gagawin ng naudlot lumipat na si Regine Velasquez.

Sa rami ng pinagpipilian among the Kapamilya stars, tila nahihirapang magdesisyon ang management.

We learned na hindi lang pala sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Anne Curtis and Valerie Concepcion ang pinagpipilian, kundi halos lahat ng female lead stars ng Dos.

We asked kung pati sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto ay pinagpipilian, ang sagot sa amin, "maraming options dapat, but of course, there are bigger projects for them. "

Sa ngayon, nagtatanung-tanong din ang management mula sa iba't ibang tao kung sino ang gusto nila for the role.

They're even urging the press people to make a choice kung sino sa tingin nila ang perfect sa nasabing proyekto.

If you'd ask naman the female stars of ABS-CBN, parang halos lahat sila ay interesado sa project. Heard na pati nga raw si Mariel Rodriguez ay gusto ring gawin ito and in fairness, bagay din naman sa kanya ang role.

Pero feeling namin, malaki ang tsansa na makuha ni Bea ang assignment at siya rin ang first choice namin.

Second bet naman namin si Valerie Concepcion at third si Shaina Magdayao, kaya lang, sa sobrang ganda niya, baka mahirapang papangitin siya.
* * *
NagpipIyesta sa tuwa ang fans ng loveteam nina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo dahil bumalik na ang young actress sa Palos. Kasabay nito ay ang hindi na pagtatago ng dalawa ng kanilang relasyon na kailan lang, hindi nila masabi-sabi kung mag-ano ba talaga sila.

Feeling tuloy namin, sinadya nina Jake and Roxanne na itago ang relationship para paingayin ang bagong loveteam ng aktor kay Bangs Garcia.

Pero, mukhang mas marami pa rin talaga ang fans ng Jake-Roxanne loveteam, kaya mukhang hindi kinaya ni Bangs ang "power" nila.

Anyway, kasalukuyan nang napapanood si Roxanne sa Palos at kinikilig na naman sa tuwa ang kanilang mga supporter ni Jake.

Ang curious kami na malaman ay kung ano ang reaksyon ni Bangs sa pagbabalik ni Roxanne. Matatandaang nagkaroon ng kaunting iringan ang dalawa noong nagsisimula pa lang ang serye.

We remember na sinabi ni Bangs na nahihiya siya kay Roxanne dahil parang inalis daw ito sa pagiging leading lady ni Jake at siya ang pumalit.

Ngayong ibinalik na si Roxanne, ano na kaya ang magiging papel ni Bangs? Love triangle kaya sila or bibigyan na lang siya ng ibang partner?
* * *
Nakatakdang umalis this week ang tatlong lead stars ng Lobo na sina Angel, Shaina at Piolo Pascual patungong Dubai para sa Kapamilya Fiesta na gaganapin sa March 7 at para i-promote ang teleserye sa nasabing bansa.

Dahil walang pondo ang Lobo, kailangang makabalik agad sa bansa ang cast para makapag-taping. Isang araw lang ang show kaya kinabukasan ay babalik na agad sila ng 'Pinas.

Samantala, may mga nagtatanong sa amin kung bakit puro love scenes nina Angel at Piolo ang ipinakikita sa Lobo. Kailan naman daw nila makikita ang young actress bilang Lyka sa action scenes na siyang forte nito?

Ang alam namin, maraming action scenes si Angel dito at siguro'y hindi pa lang ipinakikita since hindi pa nga siya nagta-transform.

Maybe after the transformation, sunud-sunod na ang action scenes ng young actress.

Source: People's Tonight